"Hindi ka ba papasok sa loob?" tanong sa akin ni Kuya Daniel nang madatnan niya ako sa labas ng church, inaabangan ang pagdating ni Kylo.
"May hinihintay ako, kuya."
"Ah, sige," aniya at pumasok sa loob.
"Ang tagal naman n'on," reklamo ko habang pasilip-silip sa cellphone ko dahil baka may reply siya sa akin. Kanina pa ako naghihintay dito at kanina pa niya sinabi sa akin na nakaalis na siya ng bahay nila.
Ilang sandali lang, may huminto na jeep sa tapat ng church at may bumaba roon na tatlong pasahero. Napaawang ang labi ko nang makita kong si Kuya Neico at Ate Erich iyon, at ang isa pang kasama nila ay isang babae na mas bata nang kaunti sa akin. Kahawig nito si Ate Erich kaya baka kapatid niya ito.
Bakit kasama sila ni Kuya Neico? Ibigsabihin ba kasama sila sa Bible study?
"Faith, ba't nasa labas ka?" tanong ni Kuya Neico sa akin nang makalapit sila sa puwesto ko. Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko.
"M-may hinihintay lang ako, kuya," tugon ko.
"Sino?"
"Y-yung kaibigan ko, si Kylo."
Tumango-tango naman siya. "Kasama ko pala si Ate Erich mo at si Irish, kapatid niya," pakilala niya.
"Who is she, Kuya Neico?" tanong ng kapatid ni Erich na pinakilalang Irish. Sa accent pa lang nito, alam mo nang Inglesera.
"She's Faith. She's Pastor Alvin's neice."
"Oh. Hi, Ate Faith!" magiliw na bati niya sa akin. Ngumiti din si Ate Erich sa akin nang tumingin ako sa kanya. Bahagya lang akong ngumiti.
"Pasok na kami sa loob," paalam ni Kuya Neico sa akin. Tumango lang ako.
Saktong pagkapasok nila sa loob, may isang lalaking naka-itim na leather jacket at nakasakay sa isang magara na puting motorcycle ang dumating. Hindi niya suot-suot ang helmet niya kaya nakita ko kaagad kung sino iyon. It's Kylo. Pinarada niya ang sasakyan niya sa maliit na parking lot ng church. Bago ata ang sasakyan niya. Ngayon ko lang nakita 'yon. Ang angas ng dating niya habang naglalakad siya papunta sa akin. Ngumunguya na naman siya ng bubble gum, as always.
Sinalubong ko kaagad siya ng masamang tingin. "Ang tagal mo," medyo inis na sabi ko.
"Sorry na. 'Di mo na ako mapapatawad?" double meaning na sabi niya habang nakangisi. "May dinaanan kasi ako."
'Di ko pinansin ang sinabi niya. "Tapon mo 'yang bubble gum mo. Bawal magbubble-gum habang nakikinig ng Word of God," suway ko sa kanya.
"Sino ba nagsabi na makikinig ako? Hihintayin ko lang kayo matapos."
Umismid ako, "Basta itapon mo 'yan o dito ka sa labas maghihintay."
"Oo na, ito na." Lumapit siya sa basurahan na nasa gilid at saka niluwa ang bubble gum niya. Lumapit naman siya sa akin pagkatapos at saka ako inakbayan, "Tara na." Siya mismo ang nag-akay sa akin papasok sa loob church habang akbay-akbay ako. Nag-alarma naman ako dahil doon.
Pagkapasok namin sa loob, napabaling ng tingin sa amin ang lahat. Doon ko naman mabilis na tinanggal ang kamay ni Kylo sa balikat ko. Pasimpleng siniko ko rin siya tagiliran niya para lumayo siya nang kaunti sa akin. Baka kung ano pang akalain nila sa amin ni Kylo.
"Uhm, k-kaibigan ko nga pala, si Kylo," medyo nahihiyang pakilala ko kay Kylo sa kanila.
Ilang segundo ang inabot ng pananahimik nila at nanatiling nakatitig kay Kylo bago sila sunod-sunod na lumapit kay Kylo at ni-welcome.
BINABASA MO ANG
Against Our Will
SpiritualHer name is Faith, but she lost the faith she had after her father died. The trauma of what happened to her father became a nightmare to her, and it turned her into a rebel girl who despises Christians and the Church. She lives a life full of hatred...