Chapter 28: Don't Hide

840 60 17
                                    

Saglit kong inayos ang sarili ko sa tapat ng salamin. Nakasuot na ako ng school uniform ko at handa nang pumasok. Nang matapos ako, lumabas ako ng kwarto at nakita ko si Kuya Neico na naghihintay sa sala. Tinungo ang main door at lumabas. Sumunod naman ako sa kanya. Nilabas niya sa gate ang motorbike niya.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba dahil magkakalapit na naman kaming dalawa.

Uncrush mo na siya, Faith, paalala ng kabilang utak ko. Oo na, tugon naman ng kabila.

Umangkas ako sa kanya at humawak sa balikat niya para di ako mahulog. Kalaunan, sumulong kami.

"Faith!"

Nagulat ako nang biglang may tumawag sa akin. Boses iyon ni Kylo. Sumulpot sa gilid namin ang isang rider na nakasuot ng puting helmet, puti rin ang motorbike nito. Sinasabayan nito ang sasakyan namin. Nakataas ang salamin ng helmet nito kaya nakumpirma ko na si Kylo nga. "Good morning, sir," bati niya pa kay Kuya Neico.

Kunot-noong tumingin lang ako sa kanya.

"Good morning," bati pabalik ni Kuya Neico sa kanya.

"See you, Faith," aniya bago nag-overtake at nilampasan kami.

Napailing lang ako.

"May Bible study mamaya sa campus. Invite him. Wala ang ate mo kaya ako ang magtuturo," ani Kuya Neico.

"Ah, s-sige," tugon ko.

Nang makarating kami sa parking lot ng school, naabutan namin doon si Kylo na nakaupo sa sasakyan niya habang tumitipa sa cellphone niya at lumalangot ng bubble gum. Napatingin siya sa amin ni Kuya Neico. Doon niya binulsa ang cellphone niya.

Nilapitan ko siya habang kinukuha ni Kuya Neico ang mga gamit niya sa compartment ng motorbike niya.

"Bakit nandito ka pa?" tanong ko sa kanya.

"Hinihintay kita."

Napasulyap ako kay Kuya Neico na naisara na ang compartment ng motorcycle niya. Napatingin siya sa amin ni Kylo.

"Let's go," ani Kylo sa akin at bumaba ng mula sa motorcycle niya sabay hawak sa braso ko.

"Kuya, una na kami," paalam ko kay Kuya Neico.

Tumango naman siya amin at bahagyang ngumiti.

Habang naglalakad kami palayo sa parking lot ni Kylo, muli akong sumulyap kay Kuya Neico na naglalakad na rin palabas ng parking lot. Hindi ko maiwasang mapangiti nang maalala kong wala na si Ate Erich sa school.

Uncrush mo na siya, 'diba? paalala ng utak ko. Nalungkot naman ako bigla.

Napatigil ako nang mapatingin ako kay Kylo na nakatingin din pala sa akin. Nakita niya ang lihim na pagngiti ko nang sumulyap ako kay Kuya Neico kanina.

Patay...

Wala naman siyang sinabi kaya nakahinga ako nang maluwag. Pero iniisip ko kung napansin niya ba na may gusto ako kay Kuya Neico. Hindi naman siguro dahil alam niya na feeling lalaki ako.

Nang makarating kami sa room, binuksan ko sa kanya ang tungkol sa Bible study mamaya. "Sama ka mamaya sa Bible study," sabi ko sa kanya.

"No problem," aniya pero napansin ko ang kaseryosohan sa aura niya.

***

Nakasalubong namin ni Kylo si Kuya Daniel na naglalakad sa pathway ng school, bibit niya ang gitara niya na naka-case. Mukhang papunta na rin ito ng garden para sa Bible study.

Against Our WillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon