"Miss, order niyo po?"
Napatitig ako bigla sa waiter. Nasa isang cafe nga pala ako. And guess what it's VALENTINES. Kabila't kanan ang mga nakikita kong mga langgam. Ang tatamis e! Pwe.
"Ahm. One peppermint frap, grande." Then I flash a smile. Nagsimula na naman akong matulala dito sa kinauupuan ko.
Kinuha ko ang phone ko ng may pagkaabalahan naman ako ng biglang may nagtext.
From: Lealyn
To: AutumnHey Autumn! Want to join me later? Speed Dating:) Enjoy yun promise! Here's the address Tyrwoui Bldg. 19th floor Speed Dating room. See yah!
Napailing na lang ako sa nabasa ko. Really? Speed dating?
"Here's your order ma'am, Enjoy!"
Napatitig na naman ulit ako dun sa waiter.
"Should I come?" Out of nowhere kong tanong. Okay, ang weird ko ._.
Halatang nagulat yung waiter sa tanong ko pero ngumiti sya at sabay sabing "Yes ma'am, you should."
Tumalikod na sya bigla samantalang ako nagpasiya na ding lumabas ng cafe. Hindi ko pa rin alam kung gusto ko bang makipagspeed dating chu chu na yan. Natatakot ako baka mangyari lang ulit yung bangungot na nangyari sakin 5 years ago.
Flashback
"Hi baaaaaby! Nagulat ka noh? Hoy! Ilang araw akong nagpuyat para mapaganda tong video na to. Obvious naman diba? Ito yung gift ko sayo. Akalain mo yung baby? Naka-3years na tayo. Ilang taon na lang pwede na tayong magpakasal HAHAHA! Kidding:) Basta baby, tandaan mo kahit pumangit, tumanda, tumaba, magmukha ka pang siopao o ampalaya mahal na mahal kita. Mahal kita noon, mahal kita ngayon at mahal kita foreveeeer! Hihihi. I love you babbby! Mwaaaah! Happy 3rd anniversary!!!:)" Halos hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na to pinanood, ito ng araw na ibibigay ko to kay Alexander. Sana magustuhan niya.
Inayos ko agad ang CD at nilagay sa magandang lagayan. Si Alex ang lalaking nagparamdam sakin na kahit hindi ako ganun kabait dati meron parin palang magmamahal sakin. I actually don't expect him to come into my life pero mukhang tadhana na ang nagtakda saming dalawa KYAAH. Kinikilig ako habang iniisip sya. All those years hindi pa rin nawawala ang kilig factor namin sa isa't-isa.
Magustuhan niya kaya to? SANA *cross fingers*
Nagmadali na kong umakyat ng unit nya, isusurprise ko sya ngayong araw. Yieeeeeeeee <3
Papalapit na ko sa unit nya ng biglang may narinig akong hikbi ng babae. At hindi ako pwedeng magkamali galing yun sa unit ni Alex. Agad akong pinagpawisan at kinabahan.
"Alexander! Ano ba! Paalisin mo na ako! May girlfriend ka diba? Hindi ko kayang option mo lang ako lagi!"
Nagpantig agad ang tenga ko sa mga narinig ko. Gustong-gusto kong lumabas dito sa pinagtataguan ko at sambunutan yung babae at bayagan si Alex pero hindi ko magawa tanging pagiyak lang ako kaya ko.
"Please Blaire noooo. Wag mo kong iwan, I need you. Pano ka? Yung baby natin?"
Mas lalo akong napaiyak nung narinig ko na syang magsalita. HAYOP KA ALEX! TANG INA MO! GAGO KA! TARANTADO!
"Hiwalayan mo si Autumn at babalik ako kami ng anak mo."
"I will. Ngayon din."
He sounds desperate, I guess this is the time.
"I'm breaking up with you Alex."
*PAK*
Then I slap him hard on the face. Nagmadali akong tumakbo paalis. I was so pathetic for loving someone like him.
End of Flashback
BINABASA MO ANG
Baka magwork
RomanceBAKA MAGWORK! is brought to you by TUTAN'S HOTDOG. Sa presyong abot kaya, sa size na di mo kaya. -May maidescription lang. Push ko 'to. Credits to chicolocco. <3