PART 1

18 1 0
                                    

“Minsan Oo, minsan Hindi. Minsan Tama, minsan Mali.” Isa yan sa sinasabi ng kantang narinig ko na kung iisipin tila parang ang gulo, diba? Pero kung iisipin din natin.., may nais lang sabihin ang kanta sa bawat isa. Kung minsan akala mo “Oo” na, pero “Hindi” naman pala. At kung minsan naman akala mo nasa “Tama” kana, yun pala, “Mali” ka parin pala.

May mga bagay talaga sa mundo na hindi mo maiintindihan. May mga pangayayaring kailanma’y hindi mo inaasahan. Iba’t ibang tao na maaari mong makasalamuha at iba’t ibang pagkataong hindi mo mahinuha. Pero,  dapat nating tandaan na sa lahat ng bagay na hindi mo maintindihan, pangyayaring hindi natin inaasahan, sa kaguluhan at problema meron ang mundo.., kailangan nating tanggapin ang bawat pagbabago nito.

Bawat pangyayari may kasagutan. Bawat pangyayari may dahilan. At higit sa lahat, bawat pangyayari may hangganan. Katulad ng pagsakay mo sa isang jeep. Sa haba-haba man ng binyahe, sa dami-raming dinaanang kalye, alam mong bababa at bababa ka parin kasi kailangan mo yung gawin.

Bago natin masimulan ang kwento, may nais lang akong itanong sayo: “Naranasan mo na bang magkagusto sa isang taong napaka-masikreto?”
Siguro, maaari mong sabihing “Oo, may kakilala ako.” Pero, maaari kong sabihin sayo na itong taong tinutukoy ko.., ay kakaiba sa lahat ng nakilala mo. Alam mo yung tipong hindi mo siya maintindihan kahit na pinipilit mo siyang intindihin? Yung tipong hindi mo alam kung ano yung nais niyang gawin? Pero, sabi nga ni Marcelo Santos III:

“Kung talagang mahal mo siya, ‘di ka gagawa ng rason para mapagod siyang mahalin ka.”

(So, anong connect niyan?) Yan siguro ang maaari mong itanong sakin. Pero, isa lang ang masasabi ko sayo:

Basahin mo muna yung buong kwento nito, at malalaman mo kung ano ang nais sabihin sayo ng istoryang ito.

At ito na nga ang istorya…..

HANGGANG DITO NALANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon