PART 14

3 0 0
                                    

Part XIII

Parang isang fireworks yung nangyari, sa isang iglap naging maganda ang kinalabasan. Naging maayos ulit kami ni Louise. Naging magkaibigan ulit, na hindi ko naman inasahan na mangyayari ulit. Akala ko, nanaginip lang ako. Pero, totoo na pala to. Naging magkaibigan nga kami, as in magkaibigan. Mas naging close pa kami kaysa sa dati. Pero, hindi ko alam kung hanggang kailan to magtatagal. Sa sobrang napaka-secretive ni Louise, hindi ko alam kung ano yung nararamdaman niya. Hindi ko alam kung parehas kami ng nararamdaman. Pero, mukhang magkaiba.

Ako, yun parin ang tingin ko sa kanya. Pero siya, kaibigan na nga lang ba talaga?

Ganito pala talaga ang hirap kapag nagkagusto ka sa taong napaka-secretive. Hindi mo alam kung ganon din siya sayo. Sa araw-araw na magkasama kayo, nagseselos ka sa mga taong nakakausap niya. Hindi mo alam kung ano yung mga nangyayari. Araw-araw na magkikita kayo, inaantay mo siya. Kasi gusto mo siyang makita. Kapag uwian niyo na, gusto mong maihatid siya kahit hanggang sa pagsakay lang ng jeep kasi nais mong makasigurado na safe siya.

Pero, HANGGANG DITO NALANG ba talaga? Kailangan ko na ba talagang tanggapin ang katotohanan? Gusto ko nang tanggapin yung totoo, pero iba ‘tong sinisigaw ng puso ko. Gusto ko pang lumaban, gusto kong patunayan na sa dinami-rami ng lalakeng maaaring manligaw sa kanya, ako yung maaalala niya kasi minahal ko siya ng sobra.

HANGGANG DITO NALANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon