PART 2

9 0 0
                                    

Part I

Naranasan mo na bang magkagusto sa isang taong hindi mo aakalaing magugustuhan mo? Yung tipong nasabi mo pa sa sarili mo na, “Promise! Hinding hindi ko magugustuhan yan.” Ang weird lang diba? Pero yan ang nangyari.

Ako nga pala si Jake Euseff Uy Sebastian na nagkagusto sa isang babaeng napaka-masikreto. Oo, napaka-secretive niya. Yan nga yung nasabi ko kanina.

Nakilala ko siya simula noong makalipat ako ng panibagong school. What a small world nga talaga at naging classmate ko pa siya. Noong una, hindi ko naman siya kaagad napansin. Nagsimula talaga ang lahat noong simulang may tinanong ang professor namin at siya yung sumagot. Isipin mo nalang na ganto ang nangyari:

Para lang akong si Matteo Do ng My love from the Star na inihinto ang oras ng makita ko si Steffie Cheon. Ganun nga, ganun nga ang nangyari. Alam kong hindi kayo maniniwala, pero, yun ang nangyari. At siguro, hindi ko rin siya mapapansin kung hindi dahil sa boses niya. Yung tipong narinig mong magsalita ang grupo ni Alvin and the Chipmunks? Ang hard. Hehehe. Ang liit kasi ng boses niya, kaya isa ‘yun sa dahilan kung bakit nakuha niya ang atensyon ko.

Transferee nga lang ako kaya medyo nahihiya pang makipag-interact sa mga kaklase ko. “Octoberian”, yan yung maaaring matawag sakin. At simula noong makita ko siya nung first class namin, hindi ko na rin siya napansin.

Nagkaroon kami ng subject na P.E. Aquatics, yan yung naging P.E namin. Aaminin ko sa inyo na hindi talaga ako marunong lumangoy pero naniniwala kasi ako sa kasabihang “Hindi pa huli ang lahat”, kaya nagpapaka-trying hard ako. ^_^

Uwian na namin at tapos na ang P.E class, nag-asikaso narin kami para makawi na agad. Naglalakad na kami palabas nang biglang may nakasalubong kaming kaklase na hingal na hingal at tila natataranta..,

“Uy, si ano… yung classmate natin, nahimatay doon sa kalsada.” yan yung nasabi niya.

Agad din kaming nataranta kung sino sa classmate namin ‘yun. Hanggang sa makita namin na may grupong nakapalibot sa isang babaeng nakahiga sa sahig at walang malay. At ang babaeng nakita ko noong araw na yun ay ang babaeng may maliit na boses na nakakuha ng atensyon ko noong first day of school. Hindi siya makahinga ng maayos at umiiyak siya habang nilalagay niya yung kamay niya sa puso niya na naging sign na talagang nahihirapan na siya.

Tinawag yung Professor namin at sakto rin na may malapit na clinic doon at may mga nurse na kasalukuyang nagpapahinga at kumakain since break time nila. Binuhat namin ng Professor ko yung classmate naming nahihirapang huminga. Medyo mabigat kaya nahirapan kaming buhatin kung kami pang dalawa ang magbubuhat. Kailangan naming itawid sa kabilang kalsada since nandoon yung malapit na clinic. Naisipan ko rin na buhatin nalang siyang mag-isa kaysa kami pang dalawa ng Professor ko. Nataranta nadin kasi ako kaya binuhat ko na siya agad nang makatawid na kami at makapunta sa clinic.

Actually, habang binubuhat ko siya, pinagmamasdan ko siya. Talaga ngang umiiyak siya. Natataranta din talaga ako kasi first time lang mangyari sakin yung pangyayaring iyon. Pero, since na kailangan kong magpakatatag, nilakasan ko narin ang loob ko para rin hindi siya mapanghinaan ng loob. At sa wakas, lumapit na sa amin yung mga nurse at tinulungan kami.

“Thank you.” yan ang nasabi niya sa akin nang makaayos na siyang makahinga.

Nakauwi na ako sa bahay pero iniisip ko parin yung nangyari. Nag-alala din kasi ako sa kanya pero hindi ko alam kung bakit.

HANGGANG DITO NALANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon