PART 15 - WAKAS

11 0 0
                                    

Part XIV

Isang araw.

Kailangan ko nang ayusin ang lahat.

Kailangan ko nang tanggapin ang mangyayari.

Nagkita kami ni Louise…

“Pwede ba kitang mayakap?” tanong ko.

Hindi siya sumagot at hindi rin lumapit. Nilapitan ko siya sabay niyakap.

“Alam kong hindi ka lalapit, kaya ako na ‘tong lumapit sayo.” sabi ko.

Hindi siya sumagot.

“Alam kong huli na ang lahat. At alam mong hindi ako naniniwalang huli na ang lahat pero ang dami kong nagawang hindi maganda sayo, lalo na yung mga nasabi kong nasaktan ka pala. Louise, mahal kita. Mahal na mahal kita. Pero, bago ko tanggapin yung katotohanan may nais lang akong sabihin sayo…

Alam ko Louise, na hindi ko na kaya pang maibalik yung dating tayo. At kung ito lang ang tanging paraan para maayos ang lahat, tatanggapin ko. Tatanggapin ko na na hindi na maibabalik pa yung dating tayo.

Pero, hayaan mo sanang sabihin ko sayo ‘to…

Hayaan mo sana akong mahalin kita… Hanggang sa makalimutan kita. Louise, Mahal na mahal kita. Hanggang dito nalang, paalam.”

Minsan, sa isang parte ng buhay mo kailangan mong tanggapin ang mga pagbabago. Kailangan mong unawain ang mga pangyayari. Siguro nga ang pag-ibig e parang paglalaro nang basketball. Kahit na anong gusto mo pang lumaban, kailangan mo talagang magpahinga kasi dumarating talaga sa punto na hindi mo na kaya.

“Pahinga lang” Hindi yung lalayo kana agad. Magpapahinga ka kasi napagod ka ngayon, kaya magpapalakas ka para maipakita mo sa kanya kung gaano talaga siya ka-importante sayo.

May mga bagay sa mundo talaga na hindi mo maiintindihan. Na kahit minsan pilitin mo mang intindihin ay wala parin. Ganun talaga. There’s a reason for everything. Kaya dapat hindi minamadali ang mga bagay bagay.

Minsan kailangan mo ding sabihing HANGGANG DITO NA LANG at tanggapin ang katotohan. Hindi ibig sabihin nang HANGGANG DITO NA LANG ay tuluyan ka nang sumuko at hindi lumaban. Pagpapakita lang yan ng katapangan na may bagay talaga sa mundo na si Lord na ang bahalang gumawa ng paraan.

May mga tao talaga na mahirap kalimutan. May mga pangyayaring mahirap kalimutan. Things end. But, memories last forever. Pero dapat rin nating tandaan na kung ano man ang natutunan natin sa nakaraan ay dapat pa nating palalimin sa kasalukuyan.

Oo, minahal mo siya. At isipin mo nalang din yung panig niya. Minsan ba natanong mo siya? Malay mo, katulad mo din siya. Na natatakot sa posibleng nangyari at ayaw niya rin mawala kung ano mang meron kayo ngayon. May mga tao lang talaga na napaka-secretive kasi may iniingatan sila. Ayaw nilang masaktan kasi siguro, nasaktan na sila. Kailangan mong intindihin ang mga nangyayari. Malay mo, hindi ka pa niya gusto ngayon pero darating sa punto na balang araw magugustuhan ka din niya. Kung mahal mo talaga siya maghihintay ka sa kanya. Hihintayin mo yung panahon na magiging handa na siya. At kung talagang mahal mo nga siya, ‘di ka gagawa ng rason para mapagod siyang mahalin ka.”

There’s an appointment time for everything. J

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 27, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HANGGANG DITO NALANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon