PART 3 - Erika Louise Loresto Alarcon

4 0 0
                                    

Part II

At sa mga sumunod na araw, nagkaroon ng activity sa English subject naming. Naatasan kaming mag-conduct ng isang romantic play. Tadhana narin siguro ang nangyari, at naging ka-grupo ko siya.

Isang araw, nagka-interes ako sa kanya. Gusto ko siyang makausap. Wala akong ibang naisip na way kundi i-text siya. Pero, paano? Wala pa akong phone no. niya?

Mabuti nalang at naisipan kong i-text yung Class President namin.

“Tsong, may phone no. ka ba ng classmate natin na nahirapan huminga noong nakaraang araw?” tanong ko.

“Ahhh. Si Louise ba? Lahat naman ng classmate natin meron ako.” sagot niya.

“Louise pala name niya. Hm, pwede ko bang mahingi phone no. niya?” tanong ko ulit.

“Oo naman. Ano palang gagawin mo?” sagot niya.

“Hm, wala lang. May itatanong lang ako.” sagot ko.

“O, sige eto……”

At agad agad kong itinext si Louise. Oo nga pala, ‘di ko pa nasasabi yung real name niya. Siya nga pala si Erika Louise Loresto Alarcon.

Yung maling impression ko sa kanya noong una ay nagbago noong simulang magkasama kami sa pag-practice ng gagawing romantic play. Hindi pala siya yung katulad ng babaeng pagkakakilanlan ko sa kanya. I mean, hindi siya yung magaslaw na babae na karaniwang meron ang mundo ngayon. Oo, makulit siya pero lahat nang iyon, nailalagay niya in a perfect time and place.

Kaming dalawa ang napiling gumanap na bida sa gagawing romantic play. Kung saan ako ang gaganap bilang Marcus Dela Peña na makakakilala nang babaeng hindi niya aakalaing maiibigan niya sa loob ng ospital na si Caroline Fabros na matagal na palang patay dahil sa sakit na Leukemia, pero, nakakausap niya ito palagi at unaware siya na patay na pala yung babae.

Habang may practice kami, nagtataka ako kung bakit ako naiilang. Hindi kaya, dahil bago ko lang siya nakilala? Pero, bakit nagiging masaya ako sa ‘twing magkakaroon kami ng practice? Hmm, hindi kaya…….

HANGGANG DITO NALANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon