KABANATA 3.

1 0 0
                                    

Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata at ang tanging bumungad saakin ay ang puting liwanag.

Nilibot ko ang aking paningin. At nakita ko ang isang imahe. Pero agad din akong napapikit ng maramdaman ko ang pag sakit ng katawan ko at ng ulo ko.

"Gising kana pala?" Sabi ng isang familiar na boses na mukhang kakapasok lang,

dumilat ako at nakita ko ang mukhang matagal kong pinangulilaan.

"Le-levi!" Saad ko natigilan naman ang imahe at agad na umiling at lumapit sa akin.

"O-okay kana ba?" Nauutal na saad nya. Nakita ko ang pangingilid ng luha sa kanyang mga mata pero agad nya iyun pinunasan.

Tumango ko pero inda ko paden ang sakit na bumabalot sa katawan ko.

"Mahal palagi kang mag iingat ha?"

Naramdaman ko ang pangingilid ng luha ko. Naririnig ko na naman boses nya.

"Wag mong pababayaan sarili lalo na kapag wala ako"

"Ha? Bakit kung makapag salita ka e para kang mawawala?"

"Mahal lang kita kaya kita iniingatan!"

Ba-bakit naririnig kosya? Damn i miss you so much luv.

Naramdaman ko ang isang kamay na pinapahid ang mga luhang lumalandas sa aking mga mata.

Napatingin ako sa kanya, Darn it. Damn levi ikaw ang nakikita ko sa kanya.

Tinignan ko ang kaubuuan ko at nakita kong naka suot ako ng patient dress. Kaya unti unti kong bumangon.

"W-wag mong pwersahin ang sarili mo?" Saad nya pero hindi ko sya pinakinggan.

At patuloy na naupo ng makaupo nako ay agad akong tumitig sa kanya.

Ang mga bilugan at brown nyang mata ang mahahaba nyang kilay makakapal na kilay. Ng mapupula nyang labi at matangos nyang ilong. Damn iisipin kong sya si levi kung di ko nakita ang bangkay ni leving inililibing.

Di kona napigilan ang sarili ko at tuluyan nakong napaiyak dinaluhan nya naman ako at agad akong niyakap.

"Ba-bakit ba kamukhang kamukha mosya!" Naiinis na saad ko at tinakpan ng kamay ang mga mukha ko.

"H-ha?" Saad nya na may pagtatanong tumingin ako sa mga mata nya.

"Di ba pwedeng ikaw nalang yung leving minahal ko, di ba pwedeng ikaw nalang yung taong pinangulilaan ko!" Saad ko at mas lalong humagulgol sa kamay ko.

"Di-di kita ma-maintindihin!" Saad nya at umiwas ng tingin.

Bat ba ganto yung nararamdaman ko bakit parang kaharap koyung lalaking mahal ko. Bakit parang nararamdaman kong sya yung nandito sa tabi ko.

Agad akong napatawa na kaagad nyang ipinagtaka.

"HAHAHAHAHAH! Sino nga bang niloko ko. Namatay nga pala sya sa kadahilang napagbintangan akong pinatay kosya Haha tangina!" Natatawang Saad ko at pinunasan ang mga luha sa mata ko.

Nakita ko naman ang gulat sa kanyang mga mata na para bang hindi nya inakalang may malalaman sya.

"S-sino ba yung levi s-sa buhay mo?" Tanong nya sakin napasandal naman ako sa kama at tumingala. Parang batang pinunasan ko ang muha ko.

At nagpipigil ang iyak na tumingin ako sa kanya. Kinagat ko ang labi ko.

"S-sya yung taong ma-mahal na ma-mahal ko! Y-yung taong bumago sa buhay ko, y-yung taong pinakita sakin ang kahalagahan ng mundo!" Naramdaman ko ang pag patak ng luha saking mga mata. "Yung taong may pangarap at pinapahalagahang prinsipyo pero yun din yung taong wumasak ng puso ko, iniwan nya ko, i-iniwan nya ko!" Saad ko at yumuko naramdaman ko na naman ang sunod sunod na luhang lumandas sa pisngi ko.

Play Games #1; If our Love is Wrong. Where stories live. Discover now