"Sa susunod wag mong gagawin yun!" Saad nya sakin sa galit na tono.
Di ako sumagot, Nanatili akong tahimik.
Ginamot nya ang braso ko at medyo okay nato natanggal nya na din ang bala. At binubuduran ng gamot.
Nakahiga ako sa kama at sya nakaupo. Nakatulala ako habang Umiiyak.
"Wala kong kwenta!" Saad ko at humagulgul ulit, Niyakap nya naman ako.
"Shshshs! Deir, matagal ko ng alam na ikaw si snake." Saad nya na ikinagulat ko
"A-ano?" Di ko maintindihan? Paanong? Bakit?
"Alam kong ikaw yun, pero hindi kita pinangunahan. Di naitatago ang tattoo deir, alam natin yan." Saad nya at humiwalay sakin.
Nagiwas ako ng tingin
"Kung ganun bakit di moko sinumbong? O ipinakulong, o pinatay?" Walang ganang saad ko
"Simple lang kase mahal kita!" Saad nya na nakatitig sakin.
"Di sapat na dahilan yun!" Naiiling na saad ko. "Wala k-kong kwenta keither!" Dagdag ko at tumingin sa kanya.
Nakita ko ang pagkunot nya kasabay ng mga malungkot nyang mga mata.
"Bakit moba sinasabi yan?"
"Ka-kase kinaybigan ko yung pumatay kay levi!" Wala nako sa sarili nanlaki ang mg mata nya.
"Maniwala ka sakin keither di ko alam na yung bestfriend koyung pumatay kay levi wala akong alam, napaka wala kong kwenta pi-piling ko di ako nababagay talaga sa buhay ni levi. Ayoko na giu-gusto kona mamatay!" Naramdaman ko ang mga landas na luha saaking mga mata.
Ramdam na ramdam ko naman ang mga pag alo nya sakin.
"Hindi totoo yan,deir panigurado naiintindihan ka ni l-levi!" Saad nya pero napailing iling ako. Hindi ko kayang paniwalain ang sarili ko.
"Mas pakiramdam ko mas lalo akong di nababagay sa-sayo!" Nagpupunas ng luhang saad ko naramdam ko naman na natigilan sya.
Nagulat ako nang ipaharap nya ako sa kanya.
"Damn, deir. Di totoo yan!" Mariing saad nya pero umiling iling ako.
"Magkaiba tayo ng mundo, at may prinsipyo kang inaalagaan keither. Di tayo parehas ng iniikutan ng mundo langit ang punta mo impyerno ang bagsak ko nakikita mo bayun!" Paliwanag ko sa kanya pero iling lang sya ng iling.
Magiging masaya din tayo balang araw, hindi man ngayon pero hahanapin kita sa kabilang buhay because in another life. I want you to be my man again.
"Lahat tayo cementeryo ang bagsak wag mong isipin yan!" Nag mamakaawang saad nya habang nakatitig saaking mg mata.
"Hindi natin pwedeng ipilit ang mga bagay na hindi para satin. Keither parehas tayong masasaktan." Saad ko at yumuko. Nagulat naman ako ng bigla syang padabog na tumayo at hinagis lahat ng gamit.
"Damn it. Deirril di ako makakapayag na mawala ka, handa ako! Handa kong labagin ang batas para sayo!" Saad nya at matalim na tumingin sakin
Pero ng makita nya ang itsura ko, ay agad na lumambot ang kanyang mga mata
Umupo sya sa tabi ko at hinawakan ang mga pisngi ko na may bahid ng luha. Napapikit ako ng mariin sa maiinit nyang mga haplos
"Handa kong labagin ang batas maging a-akin ka-kalang." Puno ng pagmamahal na saad nya sakin umiling ako.
Hindi pwede yun hindi tama yun, ayoko na baliin nya kung ano sya para sa maling pagmamahal na ito hindi ako makakapayag.
"Paano ang prinsipyo mo kei, ayokong talikuran mo ang lahat para sakin!" Saad ko at hinawakan ang mga kamay nya at lalong humagulgol sa mga kamay nyang nakalapit saking pisngi.
YOU ARE READING
Play Games #1; If our Love is Wrong.
RomanceWhat if the Policeman Fall in love to the most wanted Criminal? -Deirril Fañamento -Keither Romoñio. May 18, 2020. June 4 2020.