ChApptErR 5

51 6 5
                                    

Vivian Jane's Pov
Lahat kami ay napatingin sa tinuro ni Cher na lalaki sa pinakang likod katabi ng pintuan, kahit malabo ang mata ko nakita kong sa arm chair nakahiga ang ulo niya. Naisipan kong suotin ule ang salamin ko at..

Si Pips..

"Come here!" Masunget na sigaw ni Cher kay Pips dahilan para magising ito, ginigising na rin kasi siya ng mga kalalakihan na ka row niya at.. at biglang nag tama ang mga mata namin. Tumayo siya at naglakad papunta dito sa harap.. ng palapit ng palapit ng palapit sakin. Nang makapunta siya dito sa harap nakatingin pa rin ako sa kanya dahil ang gwapo niya talaga lalo na sa malapitan. Kung titignan mo ng maigi maganda ang mga mata niya at nakakadistract ang astig niyang lakad, matangos rin ang ilong niya at syempre maganda ang shape ng lip niya na ma pink pink. Hindi na nakakagulat na mangtakad din siya at lalaking lalaki talaga.

Narinig kong tinawag na ako ni Natalie at nabalik ako sa katotohanan saka umupo. Nakita kong nag bow lang si Pips at umupo na din.

"Aba bastos kang bata ka ah-."

"Cher Mariel hindi po siya nag sasalita." Sambit ng isang lalaki na mukang loko loko at sigurado akong kaibigan nito si Pips.

"Kung g-ganun.. anong pangalan niya?" Tanong pa ni Cher ng medyo napahiya.

"Siya po si.. David Carl Cooper."

~KRINGGG KRINGGGGG~

Maaga ang recess ngayon dahil first day of school. Kahit hindi ako masyadong nakinig sa mga dinaldal ni maam narinig ko pa rin na bukas 8:00 am ang pasok ng lahat ng studyante.

Ngayon nandito na kami sa canteen at sempre ang daming ulam sa plato ko haha.

"Arng sharap tralaga ng minudo nira. Ahmm" Ani ko kahit na punong puno ang bibig.

"Guys, eto, may narinig ako, may music club rin pala dito.." Chismis ni Hailey habang umiinom ng juice.

"Interesting.." Sabi rin ni Ivy habang kumakain.

"Sali tayo? Hehe." Ani ni Hailey.

"Me too me too!! Lets try!" Pagsang ayon ni Natalie.

"Sabagay.. mukang masaya haha. Kailan ang audition?" Tanong ko ng malunok ko ang kanin na may minudo.

"Masaya talaga! Anong kaso hindi ko pa naririnig kung kailan. Hayaan niyo aalamin ko hehe." Excited na sambit ni pabebe kaya tumango tango nalang kami.

"GOOD MORNING SIR."

"MAGANDANG UMAGA PO."

"UY SI DEAN."

"WAG KAYO MAKULIT ANDYAN NA SI DEAN."

Natigil kami sa paguusap namin ng narinig namin ang bulong bulungan na nandito daw si lolo. Hindi ko na yon pinansin at kumagat ng sandwitch.

"Apo!" Boses ni lolo yun ah? Agad akong napalingon sa boses na iyon. Ang lolo ko.

"Tanda!!" Masaya kong sigaw at sa sobrang saya napatayo ako at napatakbo papalapit sa kanya, alam kong maraming nakatingin samin pero hindi ko sila pinansin.

"Anong tanda? WAHAHA hindi ka parin talaga nagbabago apo ko." Masayang sabi niya sakin.

"Lolo!!! Na miss po kita." Sabi ko ng halos mangiyak ngiyak na sabay yakap sa kanya.

"Alam ko iyon apo, kumain na ba ang apo ko?" Pag iiba niya ng usapan at niyaya ko siya sa mesa namin.

"Ah tanda sila po yung kinukwento ko sa inyo na mga prends ko hehe." Pagpapakilala ko pa, tumayo silang tatlo at nag bow.

The Silent OneWhere stories live. Discover now