Third Person Pov
Naglalakad ako pati narin ang babaeng yon.. at may isa pang naglalakad. Agad kong hinila ang kwelyo niya."Explain." Utos ko sa lokong to.
"A-ah kasi.. utos s-sakin to-"
"Utos rin sakin to eh.." I said and he got punched.
Tulog.
Nathan Durk's Pov
|May Ninja dito.. itapon mo.| Order again.I wore my jacket after reading David's text.
"Oh san ka punta bro?" Jack asked.
"Downstairs." I answered at sinara na ang pinto.
Vivian Jane's Pov
"Oh ano tatakas kapa? Nako nako kawawa ka naman.. okay ka lang? HAHAHAA." Pang aasar ko pa sa kanya habang papalapit. Napatigil ako sa pag tawa ng nakita kong hinihimas niya ang noo niya at parang may.. may dugo? Inilapit ko ang muka ko sa kanya at.. nako po..(((;ꏿ_ꏿ;)))
Si Pips. Nangyari nga nanaman.
"Nako.. hindi ko sinasadya.. alam mo naman na.. pag tumatanda na lumalabo na ang paningin." Pang chacharot ko pa dahilan para tignan niya ko ng masama. Hindi naman siya mamamatay sa ganung sitwasyon.. nag iinarte lang ata to si Pips eh.
"San ba ang punta mo? Halika may band aid ako sa locker." Nakangiting sambit ko sa kanya at hinila ko ang wrist niya papasok sa school kahit na nakalagay ang mga kamay nito sa parehas na bulsa niya.. ang cool diba.
Nakuha ko na ang PE uniform naming apat at yung band aid.. nalaman ko rin na kaya pala dito rin ang punta niya sa lockerist dahil kukuha rin siya ng PE uniform.. classmate kami diba?
Dito sa labas ng school.. malapit sa pintuan ay may upuan at dun kami umupo ni Pips matapos niyang makuha yung PE nila.
"Alam mo ba kahit maliit na sugat lang yan.. pagalingin mo pa rin dahil baka sa hule magsisi ka pag malaki at malala na ito.. mahirap na haha. Yon lang kaya ang natutunan ko last year, hindi siya about sa pinag aaralan namin palagi. Lagi lang sinasabi ni teacher nung nagkasugat ako,at sa tingin ko hindi na yun mawawala sa paniniwala ko. Haha ang ganda ng stars."
*Tingin sa langit*
Mahabang sabi ko sa kanya at alam kong dinamdam niya rin ito hindi nga lang halata. Inabot ko na rin sa kanya ang band aid pero.. ayaw niya kunin kaya ako nalang ang maglalagay sa noo niya. Nang ididikit ko na ang band aid sa noo niya.. lumayo siya ng onti na sinasabing ayaw niya mag pa lagay ng band aid pero nilagay ko pa rin.
"Bagay sayo HAHAHAHA!" Natatawang sabi ko sa kanya..kasi naman ang band aid na nilagay ko ay pambata kaya kung sino man ang mag lalagay nito na matanda na.. magmumuka talagang ek ek ang itsura. Hindi niya pinansin ang asar ko.
"May pagka pabebe ka rin pala no? Gusto mo siguro yung aalagaan ka ng babae tapos hindi niya hahayaang masaktan ka pa ule.. ayieee.. gusto mo rin siguro ihipan ko pa no? Aysuss, ok lang naman.. nahiya pa hahaha. Pang aasar ko pa at alam kong asar na asar na siya haha. Umasta akong iihipan ang noo niya pero tinulak niya lang ang noo ko gamit hintuturo para lumayo. Mga ilang segundo ng katahimikan bago ako magsalita ule.
"Akalain mo yun.. naging kaklase pa kita hihi." Nakangiting sambit ko pero wala akong nakuhang sagot mula sa kanya, idagdag pa natin ang muka niyang walang expresion.. muka paba yan?
YOU ARE READING
The Silent One
Teen FictionBagong tayong building sa eskwelahan. Mapupuno ng mga instrumento. Na may tinatagong sikreto. Ngunit ito'y matutuklasan. Welcome to Secret University. .. Hello! Isa lang akong cute na babae, ay hindi super cute pala hehehe. Mayroon akong ulo, braso...