David Carl's Pov
Balak ko sana siyang saluhin.. kaso mas malapit si Nathan.Tinignan ko si Ivy na hindi maiwasan tumingin sa dalawang to.
Nakita ko rin si Mateo sa pintuan na nakatingin dito.. ay mali nakatingin pala sa Apo.
Vivian Jane's Pov
"Ahhhh!!!"(((;ꏿ_ꏿ;)))
"Be careful." Sabi ni Kaps sakin ng mahawakan niya ang bewang at siko ko sa dalawang kamay niya.. ng mutikan na akong madaus-dos sa sahig.
Be careful.
"A-ahh oo." Bumitaw ako ng hindi na ako makahinga ng makaramdam ako ng awkward.. kaya naman ng bumitaw rin siya nilabas ko na ang hininga ko. "Hay.. salamat Kaps." Tinanguan niya lang ako at umalis na kasama yung iba pa.
"Oh.. anong ginagawa mo dyan?" Masungit na sabi ko kay Pips ng makita ko siyang nakatayo lang at hindi pa sumabay sa mga nauna. Hindi niya ako pinansin at nauna ng naglakad.. sumunod nalang ako. Hindi ko siya sinusundan! Parehas lang naman kasi kami ng room!
Habang naglalakad kami nakikita ko na ang anim na yun na papalapit na samin.
"Wala daw si Cher Lovely hehe." Balita ni Hailey habang kumakain ng ice candy. Lahat kamo sila kumakain pwera lang kay Ivy at Nathan.
"Mukang galing canteen ah? Ahhaha." Sabi ko sa kanila na nakita kong puno ang plastik labong hawak ni Jack at puno ng mga candy at chichirya.
"Ang totoo niyan-"
"HEY STUDENTS!" Napatigil si Jack sa pagsasalita ng tinawag kami ni Cher Lovely galing sa malayo.
Agad kaming tumakbo para makatakas sa maling balita at pupunta na sana ako sa hagdan ng... hilain ako ni Jack dito sa.. e-elevator. Huli na ang lahat at napahawak nalang ako sa pinto ng elevator ng hindi na ito mabuksan.
"Viv labas!!" Ivy.
"B-buksan n-niyo to- bu-buksan-"
"HEYY VIV! BAKIT NIYO PINASOK DITO SI VIVIAN?! PINDUTIN NIYO SA GROUND." Rinig kong sigaw ni Natalie at halos silang lahat ay na sakin ang atensyon. Nasa balikat na ako ni Ivy ngayon habang naghihingalo sa paghinga.
"Akin na yang plastik Jack." Rinig ko pang sabi ni Ivy at tarantang hinulog ni Jack yung laman ng plastik .. maya maya naramdaman kong may plastik nako sa muka para makahinga.
Naalala ko nanaman ang trahedya na yon.
Tuwang tuwa kami nila mom and dad sa loob ng elevator ng sarili naming mall hanggang sa.. namatay ang ilaw sa elevator at agad na tumawag ng tulong si dad ng hindi na ako makahinga. Hindi rin nagtagal ay nabuksan nila ang pinto ng sobrang liit. Pinauna na nila Mom and Dad akong palabasin dito sa elevator, 'I love you anak' 'I love you mom and Dad' Ang masaklap ako lang ang nailabas nilang buhay.. dahil.. dahil muling nagsara ang pinto ng elevator at matagal pa bago nabuksang muli. Wala na sila ng buksan ule ang elevator. Iyak ako ng iyak hanggang sa kinarga ako ni lolo na may buhok pa nung araw na yon.
Halos mangiyak ngiyak ako habang nakahawak ng mahigpit sa dibdib ko. Walang epek ang plastik labo.. ito na ba ang hule? Sa tingin ko ito na nga. Napapikit na ako at hindi na alam ang nangyari.
Ivy Kate's Pov
"V-viv huhuhu." Halos mangiyak ngiyak na ang girls ng biglang nawalan ng malay si Vivian."Vivian patawarin moko-" Rinig ko pang sabi si Jack na natigil.
YOU ARE READING
The Silent One
Fiksi RemajaBagong tayong building sa eskwelahan. Mapupuno ng mga instrumento. Na may tinatagong sikreto. Ngunit ito'y matutuklasan. Welcome to Secret University. .. Hello! Isa lang akong cute na babae, ay hindi super cute pala hehehe. Mayroon akong ulo, braso...