David Carl's Pov
Bakit ni lock si Vivian? Hindi ba nila alam na andito pako? Kung balak nilang i lock ang babae na to.. wag niyo kong idamay.Viviana Jane's Pov
qO___Op?Bat di mabuksan?
"Teka, ANO TO!!?"
Tinignan ko si Pips at imbis na magulat e umupo lang ang bruha, mukang alam na niya ang nangyayari.
Nilapitan ko siya."Pips- I mean DAVID. Lalaki ka diba, siguro naman nag boys scout ka nung elementary at high school? Gumawa ka ng paraannn." Kisay kisay na sabi ko pero inasta niya lang ako na parang hangin.
ANG SAMA NG UGALLLLIII.
Tumayo siya at nilagay yung bag niyang walang laman sa locker at yung locker niya e parang wala ring laman.
Ang totoo niyan yung mga pangyayaring ganito e madalas ko ng napapanood sa kdrama. Yung tipong na lock sila ng pinto at magkakaron ng chance para makilala ang isat isa. Iba pala talaga pag nangyari sayo. Napaupo nalang ako habang si Pips ay nag iikot ikot dito sa locker. Medyo ayos lang dahil wala namang pasok bukas.
Nagkaron ako ng lakas ng loob dahil may cellphone ako. Kinuha ko at tinawagan si Hailey. 8:00 pm na at alam kong natutulog na sila. Sa mga napapanood ko.. kesyo lobat raw ang cell phone nila. Pero ako hinde hahaha.
"Sagutin mo Hailey--" Nabitawan ko ang cellphone sa gulat dahil wala nakong makita.
*Lights off*
TT~TT
Nag brown out pa nga!!
Malabo na nga mata ko tas nag dilim pa. Madalas ko rin tong napapanood sa mga horrors movie, yung may emot na patay patay ilaw at labas labas multo. So ano ng kasunod nito? Mapupunta kami sa past at makakatagpo ng Juanito sa I love you since 1892? Okay yun kung si Pips ang magiging Juanito ko hehe- ay galit pala ako sa kanya.
Tumayo ako at kinapa kapa si Pips, "Oy-- oy Pips!" Humakbang ako ng isang beses at.. "WHAAA!!"
May naapakan akong isang bagay dahilan para padapa akong bumagsak sa sahig. Hindi ako nasaktan sa pagkakabagsak sa sahig dahil parang.. hindi na nga sahig.
*Lights on*
(((;ꏿ_ꏿ;)))
Hindi nga ako bumagsak sa sahig, nahulog naman ako sa lalaking kaharap ko ngayon.
Nang matauhan, tumayo nako sa pagkakabagsak sa dibdib niya. Hinanap ko ang cellphone ko ng muling nagka ilaw, ibig sabihin hindi pala brown out yun eme eme lang. Dinampot ko ang cellphone kong basag basag at hinimas himas, mukang to ang naapakan ko kanina. Talagang sira at basag ang maapakan ko.. sa taba kong to. Haha.
"Ehem, m-mukang dito nalang tayo.. hanggang mabuksan yung pinto." Sabi ko at nag tama-ka face look siya.
"Hindi mo ba napapanood ang mga palabas na tulad nito?" Tanong ko sa kanya pero di niya ko pinansin.
Umupo na ule ako pero di pa nag tatagal e nagsusulat nanaman siya.
"Oh ano nanaman yan?!" Tanong ko ng ibigay niya sakin yung papel. Sempre kinuha ko at agad binasa.
'Hanap tayo ng matutulugan.'
Hmm?
Tumingin ako sa kanya at nandun na agad siya sa dulo naglalakad. Fast forward. Nakasimangot akong sinundan siya. Nag iikot na nga kami ngayon para maghanap ng sapin na para kaming mga sanggol.
"Ah, tara sa clinic." Ideya ko at sumunod naman siya.
..
*Doors open*
YOU ARE READING
The Silent One
JugendliteraturBagong tayong building sa eskwelahan. Mapupuno ng mga instrumento. Na may tinatagong sikreto. Ngunit ito'y matutuklasan. Welcome to Secret University. .. Hello! Isa lang akong cute na babae, ay hindi super cute pala hehehe. Mayroon akong ulo, braso...