K02

11 4 0
                                    




Totoo talaga 'yung sinasabi nila. Kapag masaya ka tsaka naman mabilis lumipas ang oras. Tulad ngayon gagraduate na kami sa senior high. Sa mga susunod na buwan aapak na kaming magbabarkada sa kolehiyo. Malungkot nga lang kasi maghihiwalay hiwalay na kami.

It's really too hard to step on a different road. Tulad ngayon hindi ko na makakasama mga barkada. Nakakalungkot lang isipin na para maabot ang pangarap katumbas naman nito malalayo ka sa kaibigan mo, na mga nakaugalian mo ng makasama. That's life! Sobrang hirap maging adult 101.

"Congratulations, Yenah!" madamdaming bati sa akin ni Auntie. Halos maluha naman ako sa kaniya kasi dahil sa sakripisyo at kasipagan niya nakapagtapos ako sa senior high at aapak na sa kolehiyo sa susunod na buwan.

"Congratulations mga bes!" maligaya kong sigaw sa mga barkada ko nang nakalapit na sila sa akin. Masaya nila akong nilapitan at nginitian.

"Congratulations, Yenah!" sabay na bati rin nila sa akin.

"Grabe ang daming nakasabit sayo, Noel!" binigyan niya lang ako ng tipid na ngisi.

Tinignan ko ang barkada ko kami lang ni Marie ang walang nahakot na awards. Napaka weak naman namin. Haha!

"Hindi man lang kayo nagbigay sa amin ni Marie, lahat ng medals biningwit niyo!" kunwari nagtatampo ako at napanguso lang. Nagsitawanan naman sila sa turan ko.

"Grabe ka, Yenah! Hindi ka na sanay simula pa noon wala man lang tayong nasasabit sa leeg natin." si Marie.

Inirapan ko siya. "Eh? Lubid isabit mo kaya ngayon sa leeg mo!" tinapik niya naman ako sa braso napangiwi lang ako sa ginawa niya sa akin.

"Oh, sayo na 'to kawawa ka naman eh.." tatawa tawa akong napatingin kay Magno ng isabit niya sa akin yung medal na nakuha niya. Seryoso lang siya sa ginagawa niya sa akin. Napangiti naman ako sa ginawa niya.

"Oh, Auntie hindi na sayang baon niya may medal na siya."

"Naku, Magno! Ayos lang kahit walang nakasabit jan sa leeg niya basta may nakapatong na korona sa ulo niya!" napangiwi naman ako kay Anti. Obsess talaga sa corona kahit kailan.

"Auntie talaga, frustrated beauty queen ka ba?!" si Criza. Natawa naman ako sa kaniya.

"Kay gandang bata kasi nitong si Yenah, kaya dapat ibalandra sa pageant pageant sayang ang morena beauty.."

Tumango na lang ang barkada ko kasi wala na silang dapat isagot pa kay Auntie. Kasi kapag babanatan pa nila si Auntie hindi naman sila mananalo. Basta pageant at corona pag-uusapan nangunguna 'to sa debate.

Nagpicture picture muna kami ng mga kaniya kaniyang pamilya namin. Pagkatapos naman nun sumunod kaming magtake ng pictures ng barkada.

"Ano saan tayo mamaya?"

"Ano kila Noel?" tanong ko pero napangiwi siya, paano bawal kami doon sa bahay nila puro kasi tahimik ang tao doon.

"Bawal." simpleng sagot niya.

"Sa amin na lang.." napatingin kami kay Janet.

"Sige!" sabay sabay naming sigaw.

"Inuman tayo ah!"

"Lasinggero kahit kailan, Magno!" inirapan lang ako ng lasinggo.

"Kita na lang tayo mamaya! Dinner lang muna kami ni Anti sa labas."

"Sige.."

Nagdinner lang kami ni Auntie sa isang buffet restaurant pero sa restaurant na afford lang naman namin.

Pulchritude in Pangasinan (Accountancy Series # 1)Where stories live. Discover now