K03
"Bakla sama ka doon sa pageantry doon sa Pakwan Festival ah!"
"Saan, Chard?" Auntie Carmen asked.
"Sa Bani. Diba nag-iipon ka para sa kolehiyo mo?"
"Opo.."
"Sama ka ah! Naku, naku mananalo ka doon!" Ate Chard exclaimed.
"Sure na sure ka ate ah!"
"Ofcourse, kutis pa lang palaban ka na!" napanguso naman ako sa turan niya.
"Morena beauty 'yan. Mana sa akin!" Auntie Carmen happily exclaimed.
"Ay ikaw ba nagluwal dyan teh?!" napahalakhak kaming dalawa ni Ate. Lalo lang kaming natawa ng bumusangot si Auntie.
"Inggit ka lang Chard, palibhasa hindi mo 'to anak!" sabay akbay sa akin ni Auntie.
"Ay anak mo na pala siya!" pang-aalaska niya.
"Ikaw below the belt ka na Chard! Palayasin kitang bruha ka!" napapangiti ako sa kanila kasi kahit ganyan silang magbatuhan ng salita alam ko namang hindi nila dinidibdib 'yun. Kumbaga way of pagkatao lang nila yang ganiyan.
Kapag nagkikita sila hindi mawawala 'yang pang-aasaran nila ng mga salita sa isa't-isa.
"Kailan 'yung pageant, Ate Chard?" napangiti siya sa akin.
"Two weeks from now, Yenah." tumango ako sa kaniya.
"Sali ka ha, ako na bahala para makasali ka."
"Jogging tayo bukas ha. Punta ako dito." pagkatapos niyang sabihin 'yun lumabas na siya sa bahay namin. Kapitbahay lang namin si Ate Chard.
Pagkatunog ng alarm clock ko 5am na bumangon na ako. Nagprepara ng katawan at nagbihis na ng sports bra at leggings. Black rubber shoes naman para sa paa.
Saktong pagkabukas ko ng pintuan ko nakaupo na sa sofa sila Auntie at Ate Chard.
"Halina po Auntie at Ate!"
Tumayo na sila at lumabas na kami ng bahay. Madilim pa sa labas at tahimik ang paligid lalo na at tulog pa ang mga ibang kapitbahay.
"Stretching muna Auntie.."
"Okay." nagsimula na kaming nagstretch.
Tuwing may magaganap lang na pageant sumasama si Auntie Carmen para magjogging. Gusto niya lang akong damayan sa lahat ng pagod o hirap basta tungkol sa pagsali ko sa beauty pageants.
Sabay na kaming tumakbo at lumiliwanag na rin ang daan na tatahakin namin sa pagtakbo.
"Ano pagod ka na ba Auntie?" tanong ko sa kaniya matagal na rin kaming tumatakbo at papasikat na ang araw.
Hingal na hingal na kaming tatlo at tagaktak na ang tumutulong pawis sa katawan ko. Pagbaling ko ng tingin kay Ate halos matawa ako sa itsura niya para siyang asong uhaw, nakalabas na kasi ang dila niya.
"Pagod na ba Ate Chard?"
"Sinong pagod?! H-hindi ako pagod!" asik niya sa akin pero halata ang paghingal niya kaya napailing na lang ako sa kaniya habang nangingiti.
Tumakbo na kami pabalik ng bahay, sumikat na rin ang araw. May mga nadadaanan na kaming taong nagwawalis sa bakuran, may mga nagkakape naman sa harap ng kani-kanilang bahay, mayroong kakagising lang at nag-aabang ng pandesal sa daan. Ang sarap lang tignan ng mga tao.. buhay probinsya talaga.
Humahangos kaming tatlong nakarating sa harap ng bahay namin. Binuksan ko ang maliit naming gate at binibilisan ang pagkilos ko, para kumuha ng tubig. Naubos na kasi 'yung baon naming kaniya kaniyang tubig.
YOU ARE READING
Pulchritude in Pangasinan (Accountancy Series # 1)
Teen FictionJoyenah Ariam Gracias a woman full of crowns on top of her head. Entering college is a new level, new struggles. Her different collection of crowns signify her own dillemas.. kailangan mong ingatan ito sa ulo mo para hindi mawasak at masira tulad ng...