Simula

35 5 1
                                    

Simula

"And our Miss Doyong is.."

"Candidate # 2!"

Sigawan at tilian ang nagaganap sa covered court. Tilian kasi nanalo ang manok nila, halos lahat ng nanonood yung kandidatang 'yon ang pambatong manalo. Maganda kasi atsaka ang puti.

"Halika na Joyenah."

"Opo anti."

"Ang ganda rin nung isa ano Yenah. Pero kasi nadala sa kutis yung panalo!" natawa naman ako sa tiyahin ko.

"Maganda naman talaga yung nanalo anti."

"Hay nako.. sa susunod na piyesta Yenah sali ka ah!" magiliw si anti.

Mahilig akong manood ng beauty pageants dito sa baranggay namin. Nakasanayan na rin. Kaya si anti halos ipagsulsulan sa akin ang sumali sa mga ganiyang patimpalak.

"Wala akong confidence dyan anti," kasi totoo naman nakakahiya din kasing rumampa. Pero aaminin ko kapag walang nakatingin o tao gustong gusto kong rumampa.

"Natututunan naman yang confidence no! Basta sa susunod sasali ka!"

Hindi na lang ako umimik sa kaniya.

Simula elementarya ko lagi kaming nanonood ni anti ng ganto hanggang sa nakasanayan na namin.

Makatungtung ako sa high school tsaka ako nagsimulang sumali sa pageant.

"Our Miss Intramurals 2009.."

"None other than candidate # 6!!!"

"Miss Joyenah Ariam Gracias!"

Pagka-announce na ako ang nanalo halata ang kasiyahan sa mukha ni anti pati na rin yung make up artist ko. Pati rin naman ako masaya! Unang sali ko sa pageant ako agad ang nanalo.

Picture picture muna ang nangyari sa akin bago ako nakalapit kina anti. Sinalubong naman nila ako ng mahigpit na yakap at halik sa pisngi.

"Congratulations Yenah!" si Anti Carmen.

"Salamat Anti."

"Sama ka sa bahay Chard. May kaunting handaan doon!" napailing na lang ako kay Anti kasi ganadong ganado. Kasi pangarap niyang maghakot ng korona at idisplay sa bahay namin. At nagsimula na nga ang panahon.

"Sige ate," sabi ni ate Chard.

"Bagay sayo 'yang corona Yenah!" magiliw si Anti.

Pagkatungtung ko sa high school lagi na akong sumasali sa beauty pageants. Lalo akong napapasabak dahil na rin sa papremyong pera. Pero si anti naman ang habol ang corona.

"Pahinga ka na Yenah, alam kung pagod ka."

Gabi na ngayon at halata ngang pagod at inaantok na kami ni Anti. Kakadating lang namin galing sa kabilang bayan. May naganap kasi na pageant at sumali ako at nanalo naman ako. Nakauwi ulit ako ng corona.

Nagkaroon kami ng prizes na groceries at perang 10k. Malaking tulong 'yon sa amin. May pambibili at pang-budget na kami. Kaya malaking pasasalamat ko sa beauty pageants, kasi may naitutulong at naiaabot ako kay Anti.

Pagkapasok ko sa silid ko nagbihis at naligo lang ako at nakatulog na rin ako agad pagkahilata ko pa lamang.

Pagkagising ko kinaumagahan nadatnan ko si Anti sa kusina. Nagluluto na ng almusal itlog, hotdog at sinangag.

"Morning Anti." sabay halik ko sa pisngi niya.

"Morning lapit na 'to Yenah. Upo ka na lang muna."

Napatingin ako kay Anti. Napapangiti ako sa pag-aalaga niya sa akin. Kahit hindi naman niya ako anak, grabe ang pag-aaruga niya sa akin. Kaya mahal na mahal ko siya.

Simula nung maghiwalay ang mga magulang ko, ang minsan lang sanang pagtulog sa bahay niya nasundan na ng permanenteng pagtira sa kaniya. Nabyuda na rin kasi siya sa kapatid ng tatay ko. Wala rin naman kasi silang anak kaya tinuring na niya akong sariling anak niya.

"Kain na tayo." napabalik ako sa reyalidad nung nagsalita si Anti.

"Sige po."

"Ngayon ka magpapaenroll diba?"

"Opo. Aalis rin po ako mamaya pagkatapos ng almusal."

Napatango siya. "Saan ang lakad Anti?"

"Magtitinda doon sa talipapa."

Pagkatapos kong mag-almusal nagprepara na rin ako para sa lakad ko. Magpapaenroll ako ngayon, grade 12 na ako.

Ang bilis ng panahon, noon panood nood lang ako ng pageants sa barangay. Patakbo takbo sa riles ng tren pero ngayon malapit na akong sumalang sa kolehiyo. Isang taon na lang, pero ang pagsali lang sa pageant ang nasa isip ko. Wala pa akong kursong nahahanap na swak sa akin.

---
🌻

Pulchritude in Pangasinan (Accountancy Series # 1)Where stories live. Discover now