K01
"Yenah!" tiling sigaw ni Janet. Kaya napalingon ako sa kaniya.
"Oh?" tinaasan ko lang siya ng kilay.
"Kamusta pageant kagabi?"
"Ayun! Panalo ulit!" natatawa kong kwento sa kaibigan ko.
"Wow, sana all Joyenah!" napahalakhak ako sa kaniya kasi totoo namang nanalo ulit ako sa pageant. Lagi naman akong may nabibingwit na corona.
"Late ka? Himala!" tanong ko sa kaniya kasi ang alam ko lagi 'tong maaga. Ako lang naman sa barkada ang laging late kung pumasok dahil na rin sa pagsali sa mga pageants.
"Hoy! Joyenah!" kumaway sa akin sila Magno, Noel, Criza at Marie.
"Mga pards, bes!" maligaya ko namang sigaw sa kanila. Maingay sa loob ng classroom at sanay na rin naman kami sa ingay.
"Panalo ka ulit ah," si Marie.
"Hay nako Mariang, lagi yang panalo!" si Noel na inaasar na naman si Marie.
"Huwag mo nga akong tawaging Mariang! Ano yan Mariyang palad? Haha!"
Namula naman si Noel sa hirit ni Marie. Sa aming magkakaibigan kasi si Noel ang halos masyadong inosente. Halos sambahin ang pagiging 'inosente' kuno.
"Celebrate natin yan mamaya, Joyenah!" si Criza.
"Sige.."
"Sagot ko na alak at pagkain!" si Magno. Napangisi lang ako sabagay malusog kasi ang bulsa kaya ayan lakas lagi manlibre sa amin.
"Wow bigatin talaga si Magno!" si Janet.
Pagkatapos ng klase namin pumunta kami sa may kanto malapit sa eskwelahan namin at bumili ng mga pagkain at kunting beer. Dahil sagot lahat ni Magno kung ano ano ang kinuha nilang mamahalin na pagkain.
"Sige lubus lubusin niyo na yan, panigurado last na 'to!" natatawa kong pang-aasar sa kanila.
"Hindi 'yan Joyenah! Mayaman naman yang si Magno!"
Tatawa tawa si Magno sa amin. "Hindi ako magsasawang ilibre kayo Joyenah! Lalo ka na, alam ko namang pulubi ka!"
Natawa naman ang barkada ko habang namumulot sila ng iba lang chichirya. Tinapik ko naman siya sa balikat. "Gago ka talaga Maligno!" asik ko sa kaniya pero sumimangot siya sa tawag ko sa kaniyang Maligno. Alam ko kasing ayaw niya yang Malignong tawag napipikon kasi.
Pagkabili namin ng kakailanganing mga pagkain at iba pa. Pumunta na kami sa may paradaha ng tricycle.
"Manong, sa Cruz kami!" si Noel.
Dalawang tricycle ang nasakyan namin. Kami ni Janet at Magno sa isang tricycle. Sa kabila naman sila Noel, Marie at Criza.
"Bayad Manong!" as usual sagot ni Maligno ang pamasahe namin. Galante talaga to pagdating sa amin.
Malapit lang ang bahay ni Magno dito kaya binisita muna namin ang Mama niya bago kami pupunta sa fishpond at sa bukid.
Pagkabukas niya sa gate nila nakita namin ang kotse ng magulang ni Magno kaya panigurado andito sila sa bahay nila ngayon.
"Mom!" sigaw ni Magno.
Pumasok na kami sa loob ng bahay nila at umupo sa may grey sofa. Si Marie at Criza ay pinakialaman na ang tv nila Magno. Feel at home talaga sila mga walanjo.
"Tita!" maligaya kong bati sa Mommy ni Magno.
"Tita," sabay sabay na bati naman ng kaibigan ko.
YOU ARE READING
Pulchritude in Pangasinan (Accountancy Series # 1)
Teen FictionJoyenah Ariam Gracias a woman full of crowns on top of her head. Entering college is a new level, new struggles. Her different collection of crowns signify her own dillemas.. kailangan mong ingatan ito sa ulo mo para hindi mawasak at masira tulad ng...