Nagising ako sa walang hintong bunganga ni Kyla.
"Hoyy, gising na ma-lalate na tayo sa school!! Oh my g. Unang araw mo palang sa klase late ka na agad?" pagbubunganga ni Kyla.
Transferree lang ako dito sa Manila from Cavite sa kadahilanang dito muna ako titira kila Kyla hanggat nag-aaral pa ako ng Senior High School. Isang strand lang naman ng senior high ang kailangan kong tapusin.
"Allison gising na.. Pagpasensyahan mo na itong si Kyla marahil masyado lang siyang excited na dito ka na sa amin titira," mahinahong sinabi ni Tita Rina.
Si Tita Rina, mama yan ni Kyla napaka-hinahon niyan kahit kailan. Bumangon na rin ako dahil nakakahiya naman sa kaniya kung mag-iinarte pa ako.
After I came into my senses ay nagsipilyo, naligo at nagbihis ng uniporme na pinahiram sa akin ni Kyla. Pagkatapos ng lahat ay bumaba na ako papuntang dining area para kumain.
"Napakagandang bata talaga nitong si Allison, manang mana sa kaniyang ina. Kung nabubuhay lang iyon ngayon tiyak matutuwa 'yon dahil kuhang kuha mo ang hubog ng katawan at structure ng mukha niya," bati ni Tita Rina.
Napahinto ako sa pagkain dahil sariwa pa rin sa aking ala-ala ang pagsabog ng kotseng sinakyan namin noon. Iyong pagsabog lamang ang na-aalala ko sa pagkamatay ng mga magulang ko. Oo, wala na ang mga magulang ko. Ako lang ang nakaligtas sa aksidenteng iyon.
"Omg! Mother, be careful with your words nga hindi ka na nakakatuwa! I know Allison is like super pretty but you don't have to make it duldulan on her face," maarteng sinabi ni Kyla.
Kyla, ginagawa mo?
"Ang arte mo naman. Ikaw ang aga-aga pa ginigising mo na ako, 5:30 am palang. Helloo? 8:00 am pa po ang klase natin," pag-papaalala ko sa kaniya.
"Diba matalino ka sa Math? Bakit hindi mo alam? Ugh, Do I have to make computations for you? Okay fine, 10 minutes for toothbrush, 1 hour for ligo, another 1 hour for picking my accesories, 20 minutes lang for eating, 30 minutes for my morning skincare routine and lastly 30 minutes for the transportation to school," pag-papaliwanag niya.
"I'm not that high maintenance like you. Ang OA mo naman, sana okay ka lang," sinabi ko.
Lumipas ang oras hanggang sa dumating ang 7:30 at syempre ayon sa schedule ni Kyla aalis na kami. Tapos na rin maghanda para sa trabaho si tito Eric. Kaya inunahan ko na si Kyla sa kotse.
Dumiretso ako sa backseat pero may bumungad sakin. Batang lalaking mga 6 years old na naka-uniform ng katulad ng amin ni Kyla. Napasinghap ako nang may pumasok sa isip ko. May multo sa kotse. Wala akong na-aalalang bata sa pamilya nila. Imposibleng kapatid rin ito dahil hindi kamukha.
Bumalik nalang ako sa bahay at inintay si Kyla kase baka mamatay lang ako don.
"Hi Alli, let's go na," anyaya ni Kyla habang patungo sa shotgun seat.
"Ky, ako nalang sa shotgun seat please," pagmamakaawa ko.
"Lemme think.. no," agad niyang sabi.
Lakas loob kong binuksan ang back seat at nandun pa rin yung batang lalake, shit.
Pikit mata ako habang nasa byahe patungong eskwelahan. Nang biglang-
Kinalabit ako nung bata.
Nanlamig buong katawan ko pero sinikap kong lingunin yung bata at tinitigan niya lang yung mukha ko.
"Kyle! Stop annoying Allison nga! Or I will not help you with your homework na!" banta ni Kyla habang nakalingon sa backseat.
Homework? What the fuck is happening?
BINABASA MO ANG
Ever A Never After
Non-FictionThis is a story about a normal girl who isn't that normal at all. It would've been a lot easier for her if that guy didn't caught her attention who will be the reason of a bitter or sweet ending. Her untold story will unfold once she get the taste o...