Chapter 2: Apology

7 2 0
                                    




I wasn't aware that being kicked out in a stupid fucking group would end my 10 year long childhood friendship.

Kyla left me shocked in disbelief. I don't know what to do, everything that happened today was full of regret. As much as possible, I don't wanna belittle Kyla's reasons, because we're all going through different things.

Since I wasn't welcome in their house anymore, saan ako titira? Paano na yung friendship namin? Anong meron sa grupong yon para magkaganito si Ky? Maaayos pa ba ito?

All those questions inside my head. I'm thinking real hard how to get out of this crap to the point that I didn't even realized na ilang minuto na akong tulala. I should get going kasi kung hindi, ma-lalate na naman ako. Mamaya ko nalang po-problemahin ang mga bagay na yun.

[The bell rang.]

Everything happened again naligaw ako, introduced myself, looked for my seat, ignored the annoying look everyone was giving me, blah blah blahh, my teacher letting everybody go but me coz I have to catch up to a week of their lesson. I was about to complain but I've realized, this is better than being alone. Homeschooled.

Hanggang sa dumating ang lunch break, naliligaw na naman ako. Last time I've checked may in-assign sa akin para di ako maligaw pero nasan na yun? He probably deserted me.

After around 20 minutes, nahanap ko na ang cafeteria at doon ko nakita yung lalaki kanina. Nakaupo siya sa upuan. Crossed armed, nakasandal sa upuan, medyo may pagitan ang binti, he looked so bored.

"Uh. Hi?" nag-aalangan kong bati

Bumaling sa akin ang misteryoso na niyang mga mata na mas naging seryoso pa nang mahagip ako ng tingin niya. His eyes are full of expression, yet so empty. I don't know how to express that shit. I should've avoided him.

"What took you so long?" medyo agresibo niyang tanong. (Medyo agressive lang, promise.)

"Eh, bat ka nagagalit?!" medyo pasigaw kong tanong.
(Medyo lang din, promise.)

"Kasi pinag-intay mo ako!" medyo pasigaw ngunit may diin niyang sinabi.

"So, kasalanan ko pa? Buti nga sumipot ako dito tapos sisigawan mo lang ako. Seriously? Bakit hindi mo nalang kasi ako diretsuhin? Bakit mo ba ako pinapunta?" sunod sunod kong tanong.

He just rolled his eyes on me. Nakakapikon na itong lalaking ito konti pa sasapakin ko na itong todo.

All I know was me and him can't be together in one room for more than 10 minutes.

"As I was saying, earlier kase you know yung upuan ko, inupuan mo so technically may utang na loob ka sa akin na kailangan mong bayaran." diretso niyang tugon

I didn't know how to contain the irritation I'm feeling right now.

"Seriously? Pinapunta mo ako para diyan?" tanong ko.

Inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya at tinitigan ito pansamantala kagaya ng lagi niyang ginagawa. Agad kong inilipat ang labi ko sa tenga niya at bumulong.

"I'm not a fucking playground you can play with," i whispered thinly.

I assumed I'm not the only one who experienced disrespect from him. Professor nga binabastos, hindi imposibleng makakalampas kaming mga students lang.

I saw his lips pursed, he was about to say something but I cut him off.

"I don't have time for your bullshit, I prefer to use it on something more deserving than you," I added.

Umalis na ako bago pa niya ako mahabol. Mabilis na nagdaan ang panahon pagkatapos ng mga pangyayari. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap na nangyayari ang lahat ng ito sa unang araw ko.

Maaga akong umuwi para makuha ko ang mga gamit ko. Hindi ko na hinarap pa ang pamilya at nag-iwan na lamang ng sulat bilang pagpapaalam.

Dear Kyla,

I'm sorry about what happened, I didn't mean it. I know my apology wasn't enough, but I am sorry. Thank you for keeping me for about one day, but in that short period of time you're family made me feel accepted and again thank you for that. I'm looking forward to seeing you guys again. I'm sorry for disappointing you. Goodbye.

Sincerely yours,
Allison

Nang makuntento ako sa liham na isinulat, lilisanin ko na sana ang kanilang tahanan ngunit nakasalubong ko si Tita Rina.

"Alli, anak saan ka pupunta at ang laki laki ng dala mong bag, mukhang mabigat yan ah gusto mo tulungan na kita?" she politely offered.

"Hindi na po Tita, I can manage naman," I answered primly.

Magpapaliwanag pa sana ako ngunit dumating si Kyla.

"Ano?! Nandito ka pa rin?! Hindi ba I told you na hindi ko na dapat makita yung face mo?" she said overly pissed.

Magsasalita pa sana ako nang biglang hinila ni Tita yung buhok ni Kyla pailalim na nagdulot ng kaniyang pag-bend patalikod. Nagulat ako sa nangyari dahil hindi ko iyon inaasahan. Tita Rina was prim and proper, she's also soft-spoken. But I saw a beast. Kung ang paghila ng buhok ni Kyla ay nakakabigla na mas nagulat ako sa sumunod na pangyayari.

Ihinampas ni Tita Rina ang ulo ni Kyla sa pader. Oo, naiintindihan kong mali ang ginawa ni Kyla pero alam kong hindi dapat aabot sa ganito. Kung kaya niyang gawin iyon sa sariling anak, paano pa kaya sa akin?

Tumakbo ako patungo sa gate na nakaawang at akmang lalabas para manghingi ng saklolo. Bago tuluyang makalabas ay lumingon ako sa likod, doon ko nakita si Kyla na duguan ang ulo at wala nang malay. Nagkatinginan kami ni Tita Rina. Hahabol pa sana siya ngunit mas mabilis ako tumakbo. Narinig ko pa siyang sumigaw.

"Allison, huwag ka munang umalis dalin natin siya sa ospital!" sinabi niya habang umiiyak.

Nakita ko si Tito na papalapit sa kaniya kaya tuluyan na akong lumayo.

Agad akong pumunta sa bahay ampunan kung saan naroon ang malayo kong kamag-anak na si Tita Conie. Isa siya sa mga volunteer na naroroon.

"Tita! Kumusta ka na?" magiliw ko dapat na sabi ngunit hindi nakisama yung boses ko.

Si Tita yung kasama ko noong naaksidente ang magulang ko. Siya lang ang pinakamalapit na kamag-anak na natatandaan ko.

"Allison, ikaw na ba iyan? Ang laki laki mo na, dalagang dalaga na ang batang ire, may boyfriend ka na no?" excited niyang tanong.

Napangiti nalang ako at niyakap siya.

"Tita, pwede ko ba iwan muna ang gamit ko dito? Magpapahangin lang sana ako," walang siglang sinabi ko.

Nawawalan ako ng gana mabuhay. I checked my phone. It's already 5:30 pm, I need to look for a job right away.

Nagpaalam ako sa tita ko at umalis na kaagad para maghanap ng trabaho. The young innocent me wasn't aware that being a 17 year old junio high school graduate is not gonna take you somewhere comfortable, but that day I'm very eager to do whatever it takes.

- --- -••• • -•-• --- -• - •• -• ••- • -••
(To be continued.)

Ever A Never AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon