Prologue

36 4 0
                                    

"ANO bang gusto mo!!! Pera ba? Go ahead name your price. Tigilan mo lang ako." pagmamakaawa ng dalagang si Nadine sa dati niyang kaibigan.

Isang halakhak ang pinakawalan ng babaeng kaharap niya. "Ano ka ba naman Nads? Nakalimutan mo na bang ikaw rin ang may gusto nito? And don't offer me your money. Wala akong pakialam sa pera mo. Ayos na ako basta ma-grant ko lang ang dare mo." anito na may nakapaskil na mala-demonyong ngisi sa kaniyang maamong muka.

Sa unang tingin ay di mo aakalaing makagagawa ito ng mga masasamang mga bagay sa iba. Parang di makabasag pinggan. Pero may nagtatago palang halimaw na nakahimlay sa loob niya, natutulog, naghihintay na pagkakataong lumabas. At si Nadine ang nagbigay ng pagkakataong iyon sa halimaw na makalabas ng dahil sa isang dare.

Napuno ng pagtataka ang buong muka ni Nadine ng dahil sa narinig. "Anong pinagsasabi mo? A-anong kagustuhan ko? Sinong matinong tao ang gustong maging impiyerno ang buhay niya? S-sino ka ba?"

Ang kaninang nakangising muka ng babaeng kaniyang kaharap ay napalitan ng simangot. Napanguso ang babae na animo'y nasaktan sa sinabi ni Nadine.

Humawak sa kaniyang dibdib ang babae na para bang nasasaktan talaga at iniangat ang kaniyang tingin kay Nadine. Kung di lang sana kilala ni Nadine ang kaniyang kaharap ay baka kanina pa siya tumakbo papunta rito at pinisil ang mga pisngi nito. Kung di lang sana niya alam na ito ang nasa likod ng mga pasakit na nararamdaman niya nitong mga nagdaang araw ay baka na-cute-an pa siya dito. Pero hindi na magpapaloko pa si Nadine sa maamong mukang bumiktima sa kaniya ng hindi niya nalalaman kung anong dahilan.

"Aray ko naman Nads. Ganon na ba talaga ako kawalang-kwenta sa'yo para malimutan mo. Ako 'to 'yung kaibigan mo nung high school. Ano ka ba? Porket may iba ka ng mga kaibigan kakalimutan mo na ako?" anito habang nakaharap kay Nadine na may nagpapaawang tingin. Mas lalong nadagdagan ang pagtataka at ang mga tanong sa utak ng una sa kung ano ba talaga ang tunay na pagkatao ng huli.

Naghintay ng sagot ang babae pero matapos ang ilang minutong paghihintay ay wala siyang natanggap mulankay Nadine. Sa isang iglap ay biglang napalitan ng isang ngisi ang kaninang busangot sa muka ng dalaga. "Okay... okay... Mukang clueless ka talaga sa kung anong naging dahilan ng paghihirap mo ngayon ah. Nagkatuwaan kayo ng mga kaklase mo noong mga..." huminto saglit ang babae sa pagsasalita, hinimas-himas ang kaniyang baba, inaalala ang susunod na sasabihin. Napapitik lang siya ng daliri sa hangin ng maalala na niya. "Nung nasa tenth grade tayo. Nagkatuwaan kayo ng mga kaklase natin. Wala talaga akong balak na sumali noon eh. Pero pinilit mo ako. Eh alam mo namang malakas ka sa'kin, so iyon nakisakay na rin ako sa trip niyo. You gave me a silly dare. I know how teen-agers mind's working. I again know that's just a joke but for me its not."

Tumaas ang mga balahibo sa katawan ni Nadine kaya otomatikong tumaas rin ang kilay niya sa narinig. "I dared you to what?!" nilakasan na niya ang boses niya dahil di sila magkakaintindihan ng dahil sa biglang paglakas ng buhos ng ulan.

Napahagalpak ng tawa ang babae, na para bang isang nakakatawang biro ang sinambit ng kaniyang kausap. "I know that's too good to be true. For a friend to grant her friend's ridiculous dare for her. You probably thinks that Im a crazy girl dahil grin-ant ko ang ganong ka-lame na dare. But you know me. Im a woman of few words but Im a woman of my words. Kahit gaano pa ka-tanga ang wish mo susundin at susundin ko pa rin 'yan. No matter what. That's what friends are for."

Francheska Nadine Aragon is just a simple lady working at a Restaurant's manager. She already accomplished her goals in life, she fulfilled all of her dreams, she can have what she wants to be happy. Her life is simple yet perfect. How funny that just a simple dare will ruin her perfect life one-by-one. Just by a simple dare. Don't pull a dare to others if you're not willing to accept the consequences of your wish.

A month ago. Her house was robbed and all of her appliances, money, jewelries and other stuffs suddenly went missing.

Two weeks later all of her social media was hacked. The perpetrator posted a lot of volouptous nudes, immoral videos, and other sexual stuffs.

In unknowingly what reason, shits suddenly occurred to her life.

Days passed by and the culprit inflicted more damage not just to her but to her friends' life too.

Why?

It all started with a dare.....

****

"Can I ask you something?"

"Sure. Ano ba 'yun Ches?"

"Life as a student is so boring, 'ya know? Can I ask you to do a favor for me?" tinignan ni Nadine ang kaibigan na may ngiti sa kaniyang mga labi. Nag-aalangan man, ay tumango na lang ang huli ng dahil sa pagmamahal niya sa kaniyang kaibigan.

"Yieee. Thank you talaga. Madali lang naman 'to. Ipangako mo sa akin. Na gagawin mo ang pinakabest mo para ma-accomplish ang dare ko."

Tumango ulit sa pangalawang pagkakataon ang kausap niya na ikinangiti niya.

"Okay pangako. Ano ba 'yun?"

Ngumiti na matamis si Nadine bago magsalita. Itinapat niya ang kaniyang hintuturo sa gitna ng kaniyang bibig, animo'y sinasabing walang ibang pwedeng makaalam ng sikreto nila.

"Shhh. H'wag kang maingay okay... I dare you... too make my life miserable."








***


Vote and comment.
Thanks for reading.

Don't you Dare [ Mask 3 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon