Dare • 004

4 2 0
                                    

Chapter Four: When the Party's Over.

***

[ Nadine ]

NARANASAN mo na bang magpakabaliw kahit minsan? Kapag nagpa-party ka parang napaka-saya 'no? Sayaw lang ng sayaw. Parang wala ng bukas na dadating, na parang walang problemang dinadala, parang walang kapaguran.

Pero dadating at dadating din 'yung panahon na mawawala 'yung ibang klaseng sayang dulot nito. Magsasara at magsasara din 'yung mga bar at club na pinagmumulan ng panandaliang saya at kapag nangyari 'yun sasalubong ang mapait na katotohanan. Na ang buhay ay hindi lang puro tungkol sa pagsasaya at pagiging baliw.

When the party's over the reality will take over.

Bakit ko nga ba sinasabi 'to?

Im saying this cause there's no constant in this world. Change is the only constant thing in this world. Everything will change. Everything will leave. Eveything will fade. People come, entering the door into your life and will go and leave using the fire exit. All of the good thing's that's happening to your life has it's contrast.

Gaya lang ng nangyayari sa'kin ngayon. Kanina naman sa cafè hindi naman ako ganito kalungkot, but I'm not happy either. Pero iba 'yung lungkot ko ngayon eh. The feeling of emptiness felt so suffocating to the extent that it's starting to kill me slowly.

This is the real me every time Im secluded from anyone. Gone those jolly and hyper traits. Gone those toothy smiles too. Smile is the best and I think, the most effective facade. You can hide a knife behind an innocent smile, but instead of doing that, I hide my sadness behind a smile.

People usually see me as a happy-go-lucky kind of girl. But Im the contrary everytime no ones around. Kaya ngayon naman nakaupo ako sa lapag, nakasandal sa gilid ng kama. Mag-isa. I used to be alone every time, pero kahit na mag-isa lang ako lagi, 'di naman ako kasing lungkot 'di gaya ngayon. What's happening to me?

Maybe it's just because of what happened to me last night. I felt relieve nung nalaman ko kay Frank na di ako nagahasa, pero 'yung galit nandun pa rin eh. My mind kept on throwing questions. Questions that only the perpetrators will be able to answer.

Like. Of all people, bakit ako pa?

At bakit naman sila aalis agad ng mapansin lang sila ni Frank? Not that I want to be raped by that two. Don't get me wrong ah, pero kung mga manyak nga talaga 'yung mga 'yun, hindi sila masisindak sa ginawang pagsigaw ni Frank. Kung gusto talaga nila akong gahasain, walang makakapigil sa kanila.

At isa pa, dalawa sila. Ano daw? That's irony. Aishh. Nevermind.

Lamang 'yung bilang nila, kayang-kaya nilang pataubin ng wala pang isang minuto si Frank. At sabi nga ni Frank, mukang mga ex-convict 'yung mga kumursunada sa'kin, and knowing how thin Frank is, isang suntukan lang siguro nila knock out na 'yun. Pero hindi nga ganon ang nangyari.

I think mayroon pang mas malaking issue dito. At iyon ang kailangan kong alamin. Perhaps, napag-utusan lang sila. And I must thank God for He is so good to me, kasi mukang mabait pa sa lagay na 'yun kahit papaano, 'yung dalawang napag-utusan.

Kahit papaano naman ma-swerte pa rin ako. When I learned what happened to Kleya, I thought, Im still lucky on what happened to me. Not that, maganda pa rin 'yung nangyari sa'kin ah. Pero nung nalaman kong ilang beses na ginagawa nung boyfriend ni May 'yun kay Kleya, mas naawa ako. Oo binaboy nga ako ng mga lalaking 'yun. Pero that doesn't mean na magmumukmok na lang ako sa isang sulok.

Kailangan kong hanapin kung sino mang gumawa nun sa'kin. Hahanapin ko kung sino ang nag-utos sa dalawa. Pero sa ngayon... kakain muna 'ko.

***

Don't you Dare [ Mask 3 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon