Chapter 4

80 2 0
                                    

CHAPTER 4

BIGLANG bumukas ang pinto ng opisina ni Clint at niluwa nito ang babaeng akala niya ay umalis na. Binigyan niya ito ng isang malamig na tingin.

"You're jealous?" tanong nito sa kaniya. Nagkunwari siyang may ginagawa sa kaniyang laptop dahil hindi niya alam ang isasagot at lalong hindi niya rin alam kung bakit sinabi niyang nagseselos siya.

"Who said I'm jealous?" balik na tanong niya. Hindi niya aamin sa ikalawang pagkakataon na nagseselos siya. Hindi niya rin alam kung bakit ganito ang kaniyang nararamdaman. Gulung-gulo siya.

"Ikaw. Sus naglinis ako ng tenga kanina kaya matalas ang pandinig ko. 'Wag na i-deny, love." Lumapit ito sa kaniya.

Bumilis ang tibok ng puso niya nang tawagin siya nitong 'love'. Pasimple siyang huminga ng malalim para pakalmahin ang kaniyang puso.

"Maglinis ka ulit ng tenga mo." Inangat niya ang kaniya tingin at saktong nagtama ang mga mata nila. Hindi niya maiwasang titigan kaniyang mga mata. Napakaganda ng mga ito katulad ng nagmamay-ari rito. Tila ba nalulunod siya sa mga tingin nito.

Naputol lang ang kanilang pagtititigan nang biglang tumunog ang cellphone ni Cherrie. Umiwas siya ng tingin at inabala ang sarili sa harap ng kaniyang computer.

"Hello?" sabi nito nang sagutin ang tawag.

"Open your television, Cherrie," narinig niyang sabi ng nasa kabilang linya. Babae ito at alam niya kung kanino boses ito, pagmamay-ari ito ng asawa ng kaniyang matalik na kaibigan lalaki na si Kenth. Hindi siya nakikinig sadyang malakas lang ang speaker ng cellphone ni Cherrie at malapit lang ito sa kaniya.

"Why?" Bakas sa tono ng boses nito ang pagtataka. Kahit hindi niya ito tingnan ay alam niyang nakakunot ang noo nito.

"Tingnan mo na lang kasi bilis," sabi ni Lizzy na para bang nagmamadali.

"Okay okay."

Nang maibaba ang tawag naramdaman niyang tumingin sa kaniya si Cherrie kaya tiningnan niya rin ito nang nakataas ang kilay.

"Pwede makinood sa tv mo?" tanong nito habang nilalaro ang mga daliri sa kamay. Natawa si Clint sa kaniyang isip dahil ngayon lang ito nagpakita ng hiya sa kaniya.

Tumango na lang siya. Alam niya namang hindi ito magpapaawat eh.

Nawala ang lahat ng inis niya rito kanina nang makita niya ang wallpaper ng cellphone nito. Hindi niya maiwasang matuwa dahil hindi ito ang larawan na nakapublish sa internet. Ito mismo ang kumuha ng larawan nang kasal ng kaibigan niya.

Nakatalikod ito sa kaniya kaya napagmasdan niya ang buong likuran nito nang hindi nahuhuli. Napakaganda ng katawan nito dahil may hugis ito at talagang inaalagaan ng maayos.

"The agencies of Cherrie Galvez and Nicholai Quirino confirmed that the pair have started dating, even before the announcing of the movie entitled 'Can't Help It'"

Nagpantig ang tenga ni Clint nang marinig iyon mula sa tv. Bumalik ang kaniyang walang emosyong mukha.

"No this is not true," mahinang sabi ni Cherrie kaya hindi narinig ni Clint.

Ang mga litratong magkasama ni Cherrie at Nicholai ang naka-flash sa screen ng tv at nakikita ito ni Clint.

"The couple have known ech other since 1996, when they were both part of the kid reality show 'The Kid Show', of which they were both partners in every task. They started out as very close friends."

Napakuyom ang kamao ni Clint dahil sa narinig. Bumalik ang inis na naramdaman niya para kay Cherrie. Dahil sa matinding inis na naramdaman sinabi niya sa sarili niyang hindi na siya makikinig at maniniwala pa sa mga sasabihin nito.

Chasing Clint Buenaventura (Chasing Series #1)✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon