CHAPTER 1
PAPASOK na sana si Cherrie Lyn sa pinto ng opisina ni Clint nang harangin siya ng isang babaeng sa tingin niya ay empleyado sa kompanya ni Clint. Sa tingin ni Cherrie ay magkasing-edad lang sila ng babae.
Isang linggo na ang nakaraan nang umamin siya kay Clint. Hindi niya ito nakita nang isang lingo dahil sobrang busy nito sa kaniyang trabaho. Nang magkaroon ng libreng araw ay inalam niya sa kaniyang Ate Lizzy kung nasaan ang mansanas ng kaniyang mga mata.
Sa loob din ng isang linggo nagtanong din siya sa Ate niya ng kung anu-ano tungkol kay Clint na tinatanong naman ng Ate niya sa asawa nito. Hindi alam ni Cherrie na sinabi ng Ate niya sa asawa nito na may gusto siya sa bestfriend nito. Nangako naman si Kenth na hindi niya sasabihin kay Clint ang tungkol dito.
Nalaman niyang may-ari pala ito ng isang sikat na shipping company sa buong Asia. Lalo siyang humanga dito dahil sa nalaman.
Ngayon nga ay dadalhan niya si Clint ng paboritong pagkain nito na menudo. Nagdala rin siya ng kanin para makakain na si Clint dahil malapit na magtanghali.
Siya mismo ang naghanda ng mga pagkaing dala niya. Nagpaturo pa siya sa kanilang mga katulong kung paano magsaing at magluto ng menudo. Sa tanang buhay niya at sa edad na bente kuwatro ngayon pa lamang siya natutong magluto.
Si Clint ang unang taong makakatikim ng unang luto niya. Hindi niya ito ginawa sa mga naging kasintahan niya, kay Clint pa lamang siya naging ganito kahit pa na hindi niya ito kasintahan pero nararamdaman daw ni Cherrie na pupunta rin sila sa stage na iyon.
"Good morning, Ma'am. May I know your name po? I'll check if you have an appointment with Mr. Buenaventura today. It is strictly prohibited to enter the CEO's office if you have no appointment with the CEO," sabi nang sa tingin niya ang sekretarya ng kompanya. Hindi siya nito nakikilala dahil nakasuot ito ng sunglass at itim na mask.
Tinanggal niya ang disguise niya at nanlaki ang mata ng babae nang malaman kung sino ang kausap niya.
"Oh my gosh!? Cherrie Galvez?!"
"Shhh. Don't shout baka may makarinig," pagpapatahimik niya sa babae nang tumili ito. Mabuti na lang walang pumunta sa kanila na iba pang empleyado.
"Idol na idol kita Cherrie, mygosh!" tuwang-tuwa na sabi ng babae.
"Calm down." Makalipas ang ilang minuto kumalma na ang babae. "So, pwede na ako pumasok?"
"I'll ask Mr. Buenaventura's permission first." Pumasok ito sa pinto na kanina pa niya gustong pasukan.
Nang makalabas ang babae ngumiti ito sa kaniya at sinabing pupwede na siyang pumasok kaya pumasok na siya.
Nang makapasok nakita niya si Clint na seryosong nagbabasa ng isang folder. Hindi niya makita ang mukha nito dahil natatakpan ito ng folder.
"Good mor..."
Hindi siya nito pinatapos magsalita. "What are you doing here?"
"I brought you lunch." Nilapag niya ang bitbit na lunch box sa lamesa ni Clint kaya napatigil ito sa pagbabasa at binaba ang folder na binabasa.
Bumilis ang tibok ng puso niya nang masilayan niya ang mukhang pang-demi god ng lalaking mahal niya. Tinitigan siya nito sa mata niya na lalong nagpabilis sa tibok ng kaniyang puso at pagkabuhay ng mga paru-paro sa kaniyang tiyan.
Kahit walang emosyon ang binibigay na tingin nito sa kaniya hindi pa rin niya maiwasang kiligin. Kalaunan ang malamig nitong tingin ay napalitan ng matalim na tingin.
BINABASA MO ANG
Chasing Clint Buenaventura (Chasing Series #1)✔️
Storie breviCherrie Lyn Vasquez, also known as Cherrie Galvez, is a well-known actress in the country. She loves acting and believes in the saying, "Chase your dreams." Acting is her dream and her passion. She's ready and more than willing to give up anything s...