Chapter 10

77 2 0
                                    

Warning: Medyo R18+ ang chapter na 'to. Read at your own risk. Medyo lang naman. HAHAHAHAHA

CHAPTER 10

KASALUKUYANG pinagmamasdan ni Cherrie ang seryosong mukha ni Clint na ang buong atensyon ay nasa laptop nito.

Tinitigan niyang mabuti ang mukha nito. Kinakabisado niya ang bawat katangian ni Clint. Buong mukha at pati ang katawan nito.

Hanggang ngayon hindi pa rin niya lubos maisip na may ganito kagwapong nilalang ang nabubuhay sa mundo. Namamangha pa rin siya sa mga katangiang taglay nito.

Ilang buwan na niya rin itong hinahangaan. At sa loob ng ilang buwan na iyon mas lalo lang lumalalim ang nararamdam niya para rito araw-araw.

Buong maghapon niyang pinag-aaralan at pinagmamasdan ang mga kilos nito. Sa ginawa nitong labas pasok sa opisina nito ay wala siyang makitang kapintas-pintas dito. Sa kaniyang mga mata ay perpekto ito.

Kapag lumalabas ito ay nagpapaalam at sinasabihan siyang babalik rin ito kaagad. Hindi niya mapigilang kiligin at mapangiti sa ginagawa nito. Pakiramdam niya ay siya ang nobya nito na matagal na niyang gustong mangyari.

"Baka matunaw naman ako niyan," binasag ni Clint ang katahimikan pero hindi pa rin nito inaalis ang tingin sa laptop nito.

Umiwas ng tingin si Cherrie at tinuon ang tingin sa cellphone nito. "Anong pinagsasabi mo?" maang-maangang tanong niya.

Palihim na napangiti si Clint. "C'mon, Cherrie. Don't lie. Alam kong kanina mo pa ako pinagmamasdan." Nilipat niya ang tingin kay Cherrie. "Pinagmamasdan nga lang ba? O pinagnanasaan?" Tinaas baba niya ang kaniyang kilay.

Hindi na niya napigilan ang kaniyang ngiti at kumawala na ito mula sa labi niya nang mamula ang mga pisngi ng dalaga.

"Kapal mo. Hindi kita pinagmamasdan ah!" deny nito kaya lalo pa siyang napangiti.

Tumayo siya at lumapit rito. "Talaga ba? Are you sure?"

"O...oo naman," nauutal na sagot nito kaya napangiti siya.

"Hundred percent sure?" Isang mapang-akit na ngiti ang lumabas sa labi ni Clint kaya napatingin doon si Cherrie.

"Y..yes," sagot niya na hindi pa rin inaalis ang tingin sa mapula-pulang labi nito.

"Don't deny it, Cherrie. Kanina mo pa ako pinamamasdan." Umupo ito sa tabi niya at inilapit ang mukha nito sa mukha niya dahil para mapaatras siya ng bahagya para lang mailayo ang mukha niya rito.

"Hindi nga kasi. Umayos ka nga diyan." Tinulak niya ito ng marahan sa matipunong dibdib nito. Hindi man lang ito natinag. Kukunin na sana niya ang kamay niya sa dibdib nito nang pigilan siya nito kaya nanatili ang kamay nito sa taas ng dibdib nito. Ngumiti ito ng nakakaloko sa kaniya.

"Now, you're trying to touch me." Lumapit pa ito sa kaniya kaya mas lalo siyang napaatras. Kinakabahan siya at hindi nakakatulong ang pagtibok nang sobrang bilis ng puso niya at ang pagka-akit niya sa labi nito. Kinagat ni Clint ang pang-ibabang labi kaya napatingin doon si Cherrie.

Patuloy lang siya sa pag-atras dahil patuloy pa rin si Clint sa paglapit sa kaniya hanggang sa maramdaman niya na sa dulo na siya ng couch. Dead end!

Kinulong siya ni Clint sa pamamagitan ng pagsandal ng kaniyang mga braso sa armrest ng couch na nasa likod lang niya. "Ano naman ang gusto mo ngayon?" nakangising tanong ni Clint.

Awtomatikong napatingin si Cherrie sa mga labi ni Clint at napansin iyon nang huli kaya lalo itong napangisi.

"You want my lips?" muling tanong nito sa kaniya.

Chasing Clint Buenaventura (Chasing Series #1)✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon