EIGHTEEN

479 37 0
                                    

"Mr. Harrer?" napukaw ang aking atensyon nang tawagin ako ng prof.

"Are you even listening?"

"Sorry po, sir. Yes, I am" sagot ko't binaling ang aking atensyon sa kanya.

"So, ayon na nga. Bukas na bukas at magsisimula na ang educational journey niyo. Take note that maaga ang bus dadating. You need to be here before 6, is that clear?"

"Yes, sir" we all answered.

"Good. Class dismissed" sabi nito't naunang lumabas.

Nagsi-tayuan naman kami at isa-isa ng nagsi-uwian.

Isang linggo na ang nakalipas at patuloy pa rin akong binabagabag sa mga nangyari.

Kahit nga siguro sa educational journey ay dala-dala ko pa rin 'to.

I need some distraction.

"Migs, you okay?" nabigla ako nang sumulpot si Ivan sa aking likuran.

I smiled at him.

I know na hindi sapat yun para maniwala siya saking okay lang ako.

"Yeah. I'm alright. Uuwi kana ba?"

"Oo. Sabay na tayo?"

I nodded.

Sabay kaming lumabas ng silid at nakasalubong namin si Felix.

Nagtama ang aming mga tingin at nilagpasan lang din ang isa't-isa.

Isang linggo ang nakalipas at isang linggo rin kaming hindi nag-iimikan.

Hindi ko pa rin siya magawang lapitan kasi pakiramdam ko'y hindi ko pa kaya.

I still can't get over on what happened that night.

I'm just glad that Ivan's with me, especially in this kind of situation.

Nag-usap na kami ng masinsinan and we agreed to stay as friends.

Ivan is a very nice guy.

Hindi naman nag-bago yung tingin ko sa kanya after he confessed his feelings to me at hindi rin naman nagbago yung treatment niya sa akin.

Nang naka-uwi ako ng bahay ay dumiretso ako ng kwarto para makapag-impake na.

I heard a knock on the door at pumasok si mama.

"Migs, dinner's ready. Bumaba ka after mo diyan, alright?"

"Opo. Thank you"

"Wala ka na bang ibang kailangan sa lakad niyo?"

"Wala na po. Andito na po lahat"

"Okay. If you need anything, just tell me"

Tipid akong ngumiti at tinanguan siya.

Lumabas na siya ng silid at nagpa-tuloy na ako sa aking pag-iimpake.

After everything ay ibinagsak ko ang aking katawan sa malambot kong kama.

Sumasakit yung likod ko at gusto ko munang magpahinga.

Ipinikit ko ang aking mga mata at humingang malalim.

"You don't know how hurt I am seeing you with another guy. I'm fucking jealous, Miguel. I can't stand seeing you hanging out with him. Simula nung naging kaibigan mo 'to, iniiwasan mo na ako"

Agad akong napamulat nang muling maalala ang sinabi ni Felix.

Hindi niya pa rin ako pinapatahimik. It's still in my head.

I'm still affected.

"Miguel" rinig kong pag-tawag sa akin ni Ivan nang makarating ako ng university.

It's now 5:30 at hinihintay pa rin namin ang bus.

Medyo napaaga ata ako ngayon.

Andito kaming lahat sa labas para diretso na daw kung sakaling dadating yung bus.

"Kanina ka pa dito?" I asked when he approached me.

"Oo. Akala ko nga nauna ka kesa sa akin"

"That will never happen" I chuckled.

"Alam mo namang late akong nagigising. Buti na nga lang at ginising ako ni mama"

Napangiti nalang siya ng bahagya at ganun rin ako.

Napadako ang aking tingin sa bandang likuran ni Ivan kung saan nakita ko si Felix na mag-isang nakatayo sa di kalayuan.

Pansin kong pasulyap-sulyap siya ng tingin sa direksyon namin.

"Upo muna tayo dun" sabi ko sa kanya at naunang naglakad.

Lumapit kami sa bench at parehong umupo.

Tahimik lang kaming dalawa at ni isa ay walang nagsa-salita.

My stomach unexpectedly growled.

Di nga pala ako nakapag-breakfast.

"Hindi ka kumain?" he asked.

"I didn't have time. Pero ayos lang. Kaya pa naman ng sikmura ko"

He grabbed something from his bag.

"Kainin mo 'to at ng magka-laman yang tiyan mo" binigay niya sakin ang nakabalot na sandwhich.

"Wag na. Baka baon mo yan tas ibibigay mo pa sakin"

"It's fine. Marami pa naman ako dito"

"Thanks" tinanggap ko nalang ang binigay niya at kinagatan 'yon.

Ilang saglit pa nang marinig namin ang busina ng kakarating lang na bus.

"The bus is here" sabi ni Ivan.

Sabay kaming tumayo at lumapit sa bus.

Isa-isa na kaming nagsi-pasukan at naghanap ng aming mau-upuan.

Magka-tabi kaming umupo ni Ivan sa bandang huli.

Nakita ko naman si Felix na nagha-hanap ng bakante.

Nagtama ang aming mga tingin at agad din naman akong umiwas.

Sinuot ko nalang ang headphone ko at ipinikit ang aking mga mata.

I hope this journey will end well.

To be continued.

FALLINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon