14 - ....Is Not Needed

9.9K 190 6
                                    

....And she started to move down her head about to kiss her....

Hija, Dennise, gising na, boses ni nanay Luisa.

Biglang nagising si Den. 'Nay!

O bakit? Ayaw mong gisingin kita? Tanghali na. Mali-late ka sa opisina.

Sayang! Si nanay talaga!

Okay lang, 'nay. Ngayon lang naman. At saka wala akong meeting this morning, so pwede akong magpa-late. Few more minutes, please?

Ano bang nangyayari sa yong bata ka at nagkakaganyan ka? Kahapon lang, ni hindi mo nagalaw ang almusal mo at matamlay kang umalis dito sa bahay. At saka akala ko ba sa penthouse ka tutuloy kagabi?

Eh dito na po ako nagpahatid kagabi sa ka-date ko. Wala lang, parang mas gusto kong dito matulog kagabi.

Sino ba ang ka-date mo? Yung gwapang babae na matangkad at puno ng dimples ang mukha kapag tumatawa?

Kilala nyo si Aly, 'nay?

'Yon ba ang pangalan ng ka-date mo? Eh pagkakaguwapa! Mas guwapa kesa kay JR. Napakagalang pa! Boto ako sa kanya 'nak!

'Nay! Isang beses nyo pa lang nakita, solid na agad ang vote nyo sa kanya?

Bakit hindi eh napakaamo ng mukha! Pero nung pumunta dito kagabi, galit na galit nang malamang hindi ka pa umuuwi. Akala ko nga eh magwawala. Eh nakuha ko naman sa tingin ang batang yon, umamo.

Really, 'nay? Hindi kayo natakot sa sindak niya? nangingiti si Den habang ini-imagine niya si Aly kausap ang yaya niya.

Mukha naman mabait ang batang yon. Siya ba ang ka-date mo kagabi?

Opo 'nay, nakangiti niyang tugon.

Kaya pala ang ganda ng gising ng aming prinsesa. O siya sige, managinip ka muna diyan kahit gising, pero hija, paalala lang, hane. Iba ang panaginip sa totoong buhay.

Hindi na pinansin ni Den sinabi ni nanay Luisa, Instead, she stayed in her bed and started daydreaming.

Last night she enjoyed her dance with Aly. After that music, they stayed in the dance floor just holding each other and not exactly dancing. Panaka-naka, Aly would kiss her in her hair, then her forehead, next in her eyes, down to her nose and finally, her lips. And she allowed her. Both of them were at peace at that time and just satisfied with what they're having at that moment.

Para silang nawalan ng kakayahang magsalita na kahit hanggang sa pag-uwi at makarating sa bahay niya, wala isa man sa kanilang gustong magbuka ng bibig. Like the last time, she assisted her pagbaba ng sasakyan 'til they reached the entrance of her house, but unlike the last time, wala itong pagmamadaling umalis. Instead, she felt Aly wanted to stay more and be with her.

She had kissed her goodnight, then walked back to her car only to come back and kissed her again, longer than the last time. She couldn't count how many times she did that trick. Ang alam lang niya, ayaw niya ring bumitaw sa mga halik nito. Umabuso ang labi niya, hindi ma-satisfy sa isang halik lang.

Natulog siyang mga halik pa rin nito ang naiisip niya. Kaya siguro sa panaginip niya, yun at yun pa rin ang scenario na nasa utak niya.

Ganito pala ang feeling! sabi niya sa sarili, hindi nawawala ang ngiti sa mga labi.

But after a second, natigilan siya, Wala na namang klaro sa aming dalawa. What if ganun na naman ang gawin niya? After last night, babalewalain ako nang ilang araw at susulpot ulit pag gusto?

Love, ActuallyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon