22 - .... A Question

11.5K 203 18
                                    


O, paano, where to, mamaya? Bang asked Den as she puts folders on her table.

Saan ba plano nyo ni JR?

Ewan ko dun sa kulit na yun! Wala akong pakialam sa kung saan man siya pumunta!

Nag-away na naman kayo?

Hindi naman. Pero walang pakialam eh. Ni ha ni ho, wala. Ni hindi makaala man lang tumawag.

Natigilan si Den.

Ooops, sorry naman! I should have not said that. Yan tuloy, naalala mo naman si Casper, paumanhin ni Bang.

No, it's not that.

Whatever you say.

Sabay silang napalingon sa pintuan nang bumukas ito.

Hi ladies! Hi, Sungit! bati ni JR kay Bang.

Hi girls! bati naman ni Myco.

Tse! irap ng sekretarya niya kay JR.

Wow! Sarap ng bati sa akin ng aking sinta. Pa-kiss nga!

Tigilan mo nga ako, kulit! Saan ka nanggaling? Saang lupalop ka nakapunta? Sino kasama mo? sita nito sa kasintahan.

Hoy, sungit, hindi pa kita asawa kaya wag kang bungangera. Saka mo na lang ipakita sa akin yang kagaspangan ng ugali mo kapag nakatali na ako sa yo!

Natigilan si Bang.

Anong...? nagkatinginan sila ni Myco.

I'm not gonna propose to you....yet, Sungit. Pero if you're gonna show me now the real you, baka tuluyan ko nang hindi ituloy yon. Mas masahol ka pa sa Mama!

Are you proposing to her, JR? tanong niya.

Hindi nga, hindi pa. Eto kasing babaeng ito, kung magsalita, walang preno. Yan pati tuloy ako, nagagaya na!

Napatayo siya at pinuntahan niya si Bang na nakatunganga pa rin.

Congratulations! I'm so happy for you! bati niya sa babae.

Hoy Dr. Dennise Michelle Garcia Lazaro, hindi pa ako nagpo-propose sa masungit na yan! Anong congratulations?

Yun na rin yun, pare, sabat naman ni Myco. At para ka na ring napikot ngayon. Kami ni Den ang witness, kaya hindi ka na makakaurong pa.

Humihikbi lang si Bang sa mga kaganapan.

This is not how I plan my proposal! Geez!

Ang sweet! Kakaiba talaga kayong dalawa, but I'm happy for both of you! sabi ni Den.

Kumalas si Bang sa yakap ni Den, nilapitan si JR at sinuntok ito sa sikmura. Uhm! Wag na wag kang magbibiro ng ganyan, babae ka, kundi papatulan kita! sabay alis sa opisina niya.

Nagulat silang tatlo sa ginawa ng babae.

What was that for?? nagtatakang tanong ni JR, himas ang tiyan. Ang liit-liit na babae, daig pa si Pacman kung sumuntok. Aray ko!

Ikaw naman kasi, pare. Maski ako, hindi ko alam kung kelan ka seryoso.

But I am serious!

Di nga pare, balak mo nang pakasalan si Bang? Kaagad? Is she pregnant?

Ulol! We're together only for less than a month, yes. But buntis agad? Hindi ba pwedeng in love muna?

Love, ActuallyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon