I'm Bryan Yu, Half Filipino half Chinese. 16 years old. One and only child of Kris Yu and Chienna Yu. Mahilig akong magbasa ng mga libro at mahilig akong magsolve ng mga puzzles. Ako ay nag-aaral sa Skyhigh Academy, 4th year highschool. Favorite subject ko ay Mathematics. Isa akong geek pero hindi yung tipong may suot na makapal na salamin. Loner akong tao, walang kaibigan. Pwera nalang siguro sa Xbox at pagkain. Lagi akong nabubully sa school kasi nga geek ako. Imbis na magsumbong ako sa parents ko na binubully ako ay hindi nalang kasi pag nagsumbong ako baka sakit lang sa ulo nila kasi lagi silang busy sa business namin. Kaya nag fofocus nalang talaga ako sa pag-aaral ko.
Nakasakay ako sa kotse namin ngayon dahil papunta na ako sa school. Habang nagbabasa ako ng libro ay rinig na rinig ko si Mang Tomas yung driver namin na kumakanta ng We Can't Stop ni Miley Cyrus. Kahit sintunado si Mang Tomas ay patuloy parin siya sa pagkanta.
"This is house this is our rules, Yeah we can't stop and we won't stop!" patuloy lang sa pagkanta si Mang Tomas.
Habang nagbabasa ako ay napansin kong lumagpas na pala kami sa school ko kaya sumigaw ako.
"Mang Tomaaas! Hinto!" Nagulat si Mang Tomas kaya huminto siya.
"S-sir Bryan, bakit po?"
"Lagpas na po tayo sa Skyhigh Academy oh." Tumingin si Mang Tomas sa labas kaya agad nanlaki yung mga mata niya, medyo nakakatawa nga yung reaksyon niya eh. Kaya agad agad niyang inatras yung sasakyan at huminto na sa gate ng Skyhigh Academy.
Pagbaba ko ng sasakyan ay nagsalita si Mang Tomas.
"Ingat po kayo Sir Bryan." Tumango ako at pumasok na sa gate.
Nang makapasok na ako ng classroom ay agad akong umupo sa silya ko at nagbasa ulit ng libro kasi wala pa yung teacher namin. Habang nagbabasa ako ay may umagaw nito mula sakin.
"Uy ano ba! Nagbabasa pa ako. Bigay mo sakin yan." sabi ko.
"Pano pag ayaw namin? Hahaha! Dave bilis saluin mo!" sabi ni Marco sa kaibigan niyang si Dave at sinalo niya naman ito.
Habang pinapasa nila ng mga kaibigan niya yung libro ko ay wala na akong nagawa kaya umupo nalang ulit ako sa silya ko at yumuko nalang.
"Marco ibalik na natin yung libro sa kanya baka kasi umiyak pa yan." sabi nung Dave.
"Hahahaha! Oo nga Marco ibalik na natin baka tayo pa ang mapagalitan kasi umiiyak pa yanp geek na yan!" sabi naman nung Anthony.
"Sige, o heto saluin mo." babatuhin niya sana ako ng libro kaso yung natamaan ay yung Math teacher namin na si Mrs. Curan. Lagot! Terror teacher namin.
Tumingin si Mrs. Curan kay Marco.
"You! Go to Detention
Room. Now! Bring your friends with you!" Umuusok na sa galit yung tenga ni Mrs. Curan at nanglilisik rin yung mga mata niya."Y-yes Maam." Sagot ni Marco at nang mga kaibigan niya.
Nang makaalis na sila Marco ay agad na nag discuss na si Mrs. Curan. Nagtanong tanong si Mrs. Curan at ako lagi ang sumasagot sa mga tanong niya.
Nang matapos na sa pag didiscuss si Mrs. Curan ay sakto namang nag ring na yung bell.
Matapos ang 8 subjects ay nagsi uwian na kami. Nang makalabas na ako ng classroom ay agad akong pumunta sa parking lot at nakita ko si Mang Tomas kaya sumakay na ako ng kotse nang makauwi na kami ay nag-aral muna ako pagkatapos ay naglaro na ng Xbox habang kumakain ng pizza.
[A/N: Hey readers! Thankyou for reading this story. Please stay tuned for the next chapter! Vote, Comment & Share ^^]

BINABASA MO ANG
Detentionmates
FanfictiePano pag na detention ka nang dahil sa maling akala? Nang dahil sa maling akalang yun ay nakilala mo ang taong nagpatibok ng puso mo? At gagawin mo ang lahat para makita mo siya ulit.