Chapter 3: Partners
Hindi lahat ng in a relationship masaya at loyal. Yung iba, taken pa nga naghahanap na ng kapalit. Landi diba?
- Lai Villarosa
Shei's POV
Wednesday
Nakakaloka si ma'am! Pagdalhin ba naman kami ng palaka. Pero okay lang, di naman ako takot e. Ang inaalala ko, yung bestfriend ko. Greatest fear niya yung palaka haha. Shoes ko po! Pano na yan mamaya?
Nasa room na ako, wala pa si Marie. As usual lagi naman huli dumating yun e. Andito na prof namin. Shoesmeyo asan na ba yung babaeng yun? Nakakuha kaya ng palaka yun?
"Please keep quiet. Do you have your frogs with you already?"
Sumagot naman kami lahat ng oo. Tapos binigyan niya kami ng tig iisang 1/4 sa bawat group.
"Kung ano ang nakasulat dyan, yan ang ipapakita niyong part sa akin."
Lungs ang napunta sa amin. Hmmm naeexcite na ako haha. Pero seriously kinakabahan din. Syempre nu buhay na palaka hihiwain? Malikot kaya yun, baka mamaya tumalon pa haha kaloka!
"Get your partner. Lumapit sa akin lahat ng leaders. I'll show you how."
Lumapit naman agad kay ma'am ang mga leaders. Kami namang mga members hinanda na ang mga gamit ay mga sarili. Ang ingay na nga e haha. Pano ba naman kasi, among the girls ako lang ata ang hindi natatakot sa palaka.
Nang matapos na ang demonstration ni ma'am, bumalik na ang mga leaders in their respective group with the sample.
"You can now begin."
"Shoes ko po! Si bes wala pa."
Partner ko si Laurence, ang group leader namin. Napansin ko kasi na walang ka-partner si John kaya naisip ko sila nalang ni Marie haha oh diba galing ko! Nilapitan ko si John.
"Uhm hi. Shei nga pala. Wala ka pa bang partner?"
"Wala pa e. Ikaw?"
"Meron na."
"Bess!"
Biglang sulpot naman to si Marie na hinihingal hingal pa. Dala-dala ang isang supot na I'm sure palaka ang laman. Nako kawawa naman.
"Ayun si Marie, she's my bestfriend. Kayo nalang ang mag partner. Don't worry harmless yan. Sige dun na ako ha?"
"Ah sige."
Bumalik na ako sa pwesto namin ni Laurence at nagsuot na ako ng surgical gloves, laboratory gown at mask.
"Bes! By partner ba?"
"Oo bes. Late ka kasi e, kaya kami nalang ni leader. Uhm si John walang partner. Kayo nalang. Ayeeeeahh."
"Aray ko bes!"
Hinampas ba naman ako sa balikat. Loka to ah.
"Ayoko nga. Tayo nalang kasi."
"Andito na ako e. Ayoko na lumipat ng pwesto. Sige na dun ka na. Kawawa naman siya e, wala siyang partner. Wala siyang kausap. Sige na go, limited lang ang time natin."
Nakakunot ang noo niya at nakasimangot na tinalikuran ako at nilapitan si John. Hahaha inis na inis na naman yun sakin.
Marie's POV
Hay nako talaga! Hindi ko alam kung anong trip nitong bestfriend ko at talagang nananadya siya. Ugh!
I have no choice. Nilapitan ko na lang si Jo-- si Mr. tall. Napaka-awkward kasi e mention ng pangalan niya. Alam niyo na kung bakit!
BINABASA MO ANG
We Just Fall In Love
RomancePeople fall in love in different mysterious ways. Marie & John are strangers before, became enemies, friends & end up with lovers. Let us follow their story & find out if like fairytales they'll also have their happy ending.