Chapter 4: Pag-iwas

14 2 1
                                    

Chapter 4: Pag-iwas

Bawat tao may kanya-kanyang kwento.

- Lai Villarosa

John's POV

Such a mysterious lady. Napakatahimik lang niya at laging nakasimangot. I'm referring to my partner yesterday sa general psychology class ko. Parang may something sa kanya.

"Loves!"

Si Darlyn, my girlfriend. Chubby nasa 5'2 ang height. Madaldal na medyo makulit at matampuhin. May pagkamaldita nga lang. Pero mahal ko.

"Mukhang malalim yata ang iniisip mo loves, okay ka lang?"

"Oo naman. Namimiss ko lang si Lolo."

"Lolo mo? Bakit ako hindi?"

"Sos. Ayan ka na naman. Araw-araw tayo nagkikita, paano kita mamimiss?"

"Ganun? Ako nga di lang kita makita ng isang oras namimiss na agad kita e."

"Oa nito."

"Ah ganun?"

"Joke lang loves."

Then I kissed her on her cheeks.

*Bell ringing*

"Loves pasok na ako. Ingat ka. I love you."

"Ingat din. I love you too."

Pumasok na siya, ako naman papuntang library. Magbabasa lang ako. Vacant ko pa kasi. Magkaiba kami ng course. BSBA siya, so magkaiba din kami ng class schedule. Wala kaming subjects na magkaklase kami. Nagkikita lang kami pag vacant namin, before or after class. Tapos lumalabas kami pag weekends. 6 months na kami, our relationship is doing good minsan may hindi pagkakaintindihan pero naaayos naman.

Nasa library na ako. Naghahanap ako ng mababasa. Parang trip ko magbasa ng romance novel. Nang makakuha na'ko uupo na sana ako nang may nakita akong isang pamilyar na mukha kaya nilapitan ko at tumabi ako.

Nagulat siya nang umupo ako sa tabi niya. Tapos kumunot noo niya. Hay grabe tong babaeng to. Ang sungit ng dating. Parang ang laki ng galit sa mundo.

"Ba't andito ka?"

"Kasi magbabasa ako. Bawal?"

"Eh bakit sa tabi ko pa ikaw umupo? Ang dami pa namang upuan na bakante e."

"Wala lang."

"Baka makita tayo ng girlfriend mo, awayin pa ako."

"Wala naman siya e, pumasok sa klase."

Tinaasan niya ako ng kilay. Whoa! Taray!

"So?"

"Oops mali iniisip mo. Loyal ako sa kanya. Wag kang mag-alala, harmless naman yun e."

"Tsss kahit na! Pag nakita tayo ng mga kaibigan niya, I'm sure magsusumbong yun. Mapapasama pa ako. Sabihan pa akong malandi at mang-aagaw!"

"Bakit? May plano ka bang agawin ako?"

"What the? Dyan ka na nga!"

Tumayo siya, dinampot niya mga gamit niya at umalis.

Hala. Napikon! Haha nagbibiro lang naman ako. High blood pala 'tong babaeng to. Hay mga babae nga naman.

Marie's POV

Tahimik akong gumagawa ng assignments ko nang biglang may tumabi sakin. Syempre kumunot noo ko.

"Ba't andito ka?"

Tanong ko sa kanya.

"Kasi magbabasa ako. Bawal?"

We Just Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon