<<Jayson's P.O.V>>
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Jayson!" Sigaw ng isang babaeng dalaga. Tumakbo siya papunta saakin na umiiyak. "Jayson.. I'm really sorry... Dapat nga, sayo nalang ako sumama. Hindi doon sa demonyo kong boyfriend." Pahabol niyang sinabi.
"Bakit naman?" Tinanong ko. Pinunas ko ang mga luha niya at binigay ko sa kanya ang panyo ko.
Pinunas niya lalo ang mukha niya. "Kasi naman... Nakita ko siya... May kasamang ibang babae!! Ang sakit talaga sa puso ko. Niloko niya ako. Akala ko, siya na. Pero HINDI eh!" Sinigaw niya. Mas lalo siyang umiyak.
"Malay mo naman Haile, kaibigan lang niya." Sabi ko. Ayaw ko talagang makita si Haile na umiiyak. Pati ako naaapekto. Dahil, ako rin.... Ang may kasalanan sa lahat.
Binato niya ang panyo ko sa lupa. "Hindi eh! Alam kong hindi sila kaibigan. May magkaibigan bang nagkikiss at naghuhug sa bahay ng kaibigan niya? Kung meron man, may relasyon na ung mga un!"
Sumigaw siya ng napakalakas. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. I held her close at sinabi ko na magiging ok na niyan sila. Pumasok kami sa bahay ko at umupo kami. Binigyan ko si Haile ng tubig para makarelax ng konti.
"Alam mo, Jayson..." Sinabi niya saakin. Humarap siya saakin. Ang mata niya, pulang pula. "May sasabihin ako..."
"Anu un?" Tanong ko naman.
Lumapit siya saakin at binulong niya: "Dati.. Nagkagusto ako sayo. Ayaw ko lang sabihin sayo kasi natatakot ako. Baka kasi hindi mo na ako papansinin kapag sinabi ko."
"Bakit ako magagalit sayo? Ok lng saakin un. Atleast diba? May nagkakagusto saakin?" Nagjoke ako. Tumawa naman siya. Pero, nararamdaman ko parin ang sakit ng loob niya. Hindi niya kaya ang nangyari. Napaisip ako... Sabihin ko na rin ang totoo?
"Uhm... Haile?" Sinabi ko sa kanya. Hindi ko kayang makita ang mata niya.
"Ano? May sasabihin ka?" Lumapit siya lalo saakin. Hawak hawak niya ang kamay ko.
"Uhm... May gusto sana akong sabihin sayo."
"Anu un? Tungkol saan?" Tanong niya.
Bumilis ang pagtibok ng puso ko. Hindi ko kayang sabihin. Pero, kailangan niyang malaman ang totoo.
"Tungkol siya sa Boyfriend mo." Sabi ko.
Mas lalo niyang hinigpit ang paghawak ng kamay ko. Hindi ko na maramdaman. Shiz...
"Uh... Kasi.... Ako ang dahilan kung bakit kayo nagsama...." Sabi ko. At noong sinabi ko yun. Uminom siya ng tubig.
Baka uhaw...
"Hmm... Sabihin mo na.. Kaya ko rin naman." Sabi ni Haile. May konting luha na dumaan sa pisngi niya.
Noong malapit ko nang sabihin, nagising na ako.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Panaginip lang yun? Inisip ko.
Noong pagkita ko ng oras, 8:00 ng umaga na. Tumayo ako at bumaba papunta sa kitchen namin. Nagluto ako ng Pancake. Yun lang ang alam kong lutuin sa umaga. Normally, si Christine, ang bestfriend ko, siya ang nagluluto ng pagkain ko. Para na siyang yaya ko. Eh, ngayon, parang wala siya eh.
Baka nasagasaan. O kaya nakidnap. Maganda yan. Wala na ring magulo sa buhay ko.
Ganun ako magisip kapag siya ung nawawala. Lagi kaming ganun. Para na kaming magkapatid, Minsan, kapag nasa trip si Christine, bigla bigla nalang siyang matutulog saamin. Natutulog siya sa kwarto ko. Dalawa ang kama ko. Nasa magkabilaan na wall. Siya malapit lagi sa bintana kasi gusto niyang nakikikita ung moon. Kaya tawag ko sa kanya: EMO PRINCESS.
Everytime na sinasabi ko sa kanya un, binubugbog niya ako.
Kumain na ako ng almusal at nanood na ako ng T.V. Habang nanonood ako, may narinig akong sumigaw. Noong una, akala ko ung kapitbahay namin. Mahilig silang sumigaw sa umaga. Kaya hindi ko pinansin. Noong pangalawa na, tumayo na ako. Kasi, narinig ko ung pangalan ko. Parang sigaw na natatakot. Agad ako lumabas at nakita ko siya. Ang bestfriend ko... Dugo dugo...
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
<<Christine's P.O.V>>
Wag kang gagalaw Christine... Wag kang gagalaw... Inisip ko. Nagkuwari akong patay. Para lang lokohin ang walang kwenta kong BestFriend.
"Christine!" Sigaw ni Jayson. Agad siya pumunta sa tabi ko at binuhat niya ako.
Bwahahaha.... Wag kang ngumiti.... Konti pa...
May naramdaman akong tubig na dumapo sa kamay ko. Ano to.. Luha? Naku. Ang emotional. Akala ko ayaw niya ako? Hayz. Si Jayson talaga.. KAKAIBA.
Nakita ko na pinasok niya ako sa bahay niya. Hiniga niya ako at may binulong.
"Kapag ako nahanap ko ang pumatay sayo, papatayin ko siya!"
Aww.. So SWIT. Hayz.. I think kailangan ko nang gumalaw. Hini ko na kaya. Napapatawa na ako.
Dahan dahan kong ginalaw ung sarili ko. Una, ung paa. Tapos kamay. Then Ulo.
"Christine?! Buhay ka pa?!" Sigat ni Jayson. Umiyak lalo. Nakupo.. Ang emotional...
"Oo. Buhay pa ako. Niloloko lng kita kanina. Sus. Ikaw naman oh. Masyadong OA." Sinabi ko.
Tinulak niya ako at sabay naman tumawa. Hayz. Tama ako. Kakaiba nga tong lalaking to.
Tumayo ako sa higaan at inayos ko ang buhok ko.
"Oh. Kumain ka na ba ng Almusal mo?" Tanong ko. Gutom na gutom ako. Ang tagal kong nilagyan ang sarili ko ng ketchup.
"Oo. Kumain na ako." Sabi naman ni Jayson.
"Ayyyy... Hindi mo man lang ako hinintay noh?" Sabi ko. Agad ako nagmarch sa kitchen para magluto ng almusal ko.
Hinabol ako ni Jayson at sinabi niya: "Christine, may sasabihin ako."
"Anu nanaman? Sira ba ung ginagamit kong itlog ngayon?" Sabi ko naman. Sabay nagsuot ng apron.
Tumawa si Jayson. "Haha. Hindi. It's... About my..."
"My what? Jayson, kung ganyan lang sasabihin mo, umalis ka na at manuod ka nalang ng T.V.
"It's about my DREAM."
"Anong dream? About kanino?"
"About kay Haile.."
"Hmm.. SABIHIN MO NA!!!"
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
TAPOS NA ANG CHAPTER 1!! I hope u liked it! XD
Please vote or comment. :3

BINABASA MO ANG
I Took The Blame
RomansaAko si Jayson Winstead. Isang college student na nag-aaral sa St. Moonlake University. Only child lng ako sa pamilya. Ang nanay at tatay ko nasa ibang bansa na. So, ako nalang ang naiwan to take care of our house. Lagi kong nakikita ang bahay sa har...