matindi ang naging epekto kay shawn ng nangyari sa kaibigang si Migz.
.
.
Natagpuang wala na itong buhay sa hinihigaang kama kagabi.
.
.
Binangungot daw.
.
.
Pero bakit lubog ang mata?
.
.
Paano naman ipapaliwanag ang nangyari kay Aljen noong isang linggo?
.
.
Natagpuan ding walang hininga si Aljen sa mismong kwarto nito. Overdose daw sa gamot.
.
.
Pero bakit sugat-sugat ang paa?
.
.
Bago pa man mangyari ang lahat ng ito ay masaya silang magkakasama sa masukal na lugar sa Magallanes.
.
.
Hindi pinapasok ang lugar na ito dahil marami raw nagkukutang rebelde rito.
.
.
Iyon ang trip nila ng barkada, mas mapanganib mas may thrill.
.
.
Minsan na rin nilang pinatunayan ang pagkahilig sa adventure nang pasukin nila ang tribu ng mga namumugot ng ulo.
.
.
Kumaripas sila ng takbo nang sa bukana pa lamang ay may humagis na baboyramo sa paanan nila na wala ng ulo. Ang bilis nilang magpulasan gayong hindi pa makakarating sa paroroonan
.
.
Ang dami nilang gustong puntahan.
.
.
Ang kuwebang puno ni kalansay
Ang isla na tirahan ng mga pusang kumakain ng buhay na tao.
.
.
Puro naman sila kabog.
.
.
masabi lang na nailabas ang takot.
.
.
Si Aljen, dating lalampa-lampa. Laging binabatukan ng mga nambu-bully sa eskuwela.
.
.
Simula ng marating nila ang lugar na sa bangungot lang pwedeng makita ay nagawa na nitong manindak.
.
.
mas marami pa ang kwento kaysa sa totoo.
.
.
Si Migz ay laki sa magulong pamilya. Lumaki sa tahanan na parang sona ng digmaan.
.
.
Nakakatakot tumuntong sa lugar nila dahil kung hindi ka hahabulin ng sumpak, hahabulin ka ng pana.
.
.
Hindi siga si Migz, siya pa nga ang mahilig delihensiyahan ng pantoma.
.
.
Nailalabas lang niya ang pagiging siga sa mga lugar ng guniguni.
.
.
Si shawn ay may tattoo pa raw sa braso. Ang laki ng braso at may muscle. Pero sino ba naman ang mag-aakala na sa laki ng katawan niya ay takot siya sa butiki, lumilipad na ipis at sa ulol na aso?
.
.
Sa pagsama-sama sa dalawang kaibigan ay malalabanan daw niya ang takot.
BINABASA MO ANG
huwang kang pipikit
HorrorHUWAG kang pipikit! Baka sa iyong pagdilat... Hindi ka na magising!