ang wakas

568 19 29
                                        

"tulungan mo ako, hinahabol ako ng halimaw!" -iyon ang dinig niyang sabi sa kanya.

.

.

Tumakbo siya papalapit sa babae. Ang lakas ng loob niya. "miss hwag kang matakot, akong bahala sayo"

.

.

Sa malayo, nakita niya ang anino ng lalaking humahabol sa babae, pasuray-suray, parang laging nangangapa sa dilim.

.

.

Ano nga bang klaseng halimaw ito?

.

.

Dumampot siya ng pamalo, panghataw sa kalaban. Ang higpit ng pagkakahawak niya sa pamalo.

.

.

Sa tama ng buwan, naaninag niya ang buong anyo ng lalaki, lubhang nanghihina at matatakot talaga siya dahil walang mata.

.

.

Dinukot ang mata.

.

.

"Diyos ko!" napanganga siya sa takot.

.

.

Nakita niya ang paghihirap ng lalaki habang lumuluhod at nagmamakaawa na.

.

.

Ang paos na boses. "tulungan mo ako..."

.

.

Kaboses ng sigaw na narinig nila noon. Kung gayon, lalaki ang humihingi ng tulong.

.

.

"ibalik mo ang paningin ko...ibalik mo..." -pakiusap nito, sa tonong nagmamakaawa sa babae.

.

.

Pagsulyap ni shawn sa kamay ng babae, hawak-hawak nito ang duguang mata, mainit-init pa at bagong dukot lang.

.

.

Kalalaking tao ni shawn ay napasigaw siya. Nagtatarang.

.

.

"ibalik mo ang mata niya. Ibalik mo!"

.

.

Napaatras si shawn lalo pa't nakita niya na parang bola na itinapon ng babae sa bangin ang dinukot na mata.

.

.

Kasunod niyon ay nakangising humarap sa kanya.

.

.

Nag-iba ang anyo nito. Nangagtayuan ang mga buhok nito at nilabasan ng naglalakihang ugat ang mukha at katawan.

.

.

Ngumisi ito.

.

.

Lumitaw ang madugong gilagid at mga pangil na sala-salabat ang tubo.

.

.

Kitang-kita niya rin kung paano lumuwa ang mata ng babae.

.

.

"akina ang mata mo... akina ang mata mo!" -sabi nito

.

.

Todo sindak na nagtatakbo si shawn.

.

.

Tama si migz, bilisan niya ang takbo.

.

.

Tama si aljen, huwag siyang pipikit, lulukuban siya ng dilim, at hindi na siya puwedeng magising...hindi na puwedeng magbalik.

.

.

Minsan nang naisulat, ang sinumang makakita sa bangungot na mukhang ito ay hindi na makakabalik ng BUHAY!!

huwang kang pipikitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon