"kapag kami ang kasama mo mawawala ang lahat ng takot sa mundo" -ang yabang ng mga ito kung magkuwento.
.
.
"minsan lang ang sarap tadyakan ng dalawang ito" -minsan ay naibulong ni shawn sa sarili.
.
.
Kundi ba naman mga nuknukan ng duwag, humuni lang ang kuwago o pumagaspas ang paniki pakiramdam ba naglabasan na ang lahat ng maligno.
.
.
Ang bibilis tumakbo.
.
.
Ang huling pinuntahan nila bago sila nagkawatak-watak ay ang lugar papuntang magallanes.
.
.
Binabagtas ng kotse ni migz ang kahabaan ni highway, madilim at walang poste ng ikaw.
.
.
Matalahib ang lugar at napabalita pa nga na tapunan daw ng mga biktima ng summary execution.
.
.
Nakakatakot.
.
.
Sa katahimikan ng gabi ay pumunit ang malakas na sigaw.
.
.
"ano iyon?" -si shawn ang unang nakarinig
.
.
"ewan ko!" -si aljen
.
.
nag bright ang ilaw ni migz para makita ang pinanggalingan ng sigaw.
.
.
Isang babaeng nakaputi ang nagtatakbo ang nakita ni shawn.
.
.
Hinahabol ng kung sino.
.
.
"pare tulungan natin" -ani shawn.
.
.
Kinontra ni aljen. "baka masabit tayo, hwag nalang"
.
.
Agad namang pinihit ni migz ang kotse pabalik.
.
.
Hindi nalang sila tutuloy.
.
.
Hindi pa man ay naunahan na sila ng takot. "talagang masasabit tayo kung hindi tayo tatakbo!"
.
.
Muli ay nadinig nila ang sigaw. "Tulungan nyo ako, hinahabol ako ng halimaw!" -pero tinakasan din nila ang babae.
.
.
Kinaripas na ng takbo ni migz ang kotse palayo habang tinatangay sa hangin ang panaghoy ng paos na boses.
.
.
Nasa bahay na ay hindi pa rin dalawin ng antok si shawn.
.
.
Naging madamot ang antok.
.
.
Ang babaeng naka puti ang nasa isip niya. Ano na kaya ang nangyari dun? Sino kaya ang humahabol sa kanya? Baka nasaktan na ito, napatay o nailugso ang puri.
.
.
Para ngang nagdurugo sa ang kamay ng babae. kundangan naman kasi ay bakit hindi pa nila tinulungan.
.
.
Dilat na dilat ang mata nila sa nasaksihang eksena pero nagtulug-tulugan pa rin sila. Nagpikit-pikitan.
.
.
Ito na ba ang ibinunga ng karuwagang iyon?
.
.
Natatandaan ni shawn bago bawian ng hininga si migz ay nakatawag pa sa kanya at ang bilin:
"pare, huwag kang pipikit! huwag kang pipikit!"
.
.
Si aljen man ay may sinabi rin sa kanya bilang huling paalam.
"pare, bilisan mo ang takbo. Huwag kang hihinto...takbo!"

BINABASA MO ANG
huwang kang pipikit
HorrorHUWAG kang pipikit! Baka sa iyong pagdilat... Hindi ka na magising!