ang talukap

601 13 0
                                    

Ang mga pahiwatig na iyon ang dahilan kung bakit nagkakaganito ngayon si shawn.

.

.

Huwag siyang pipikit.... Baka sa kanyang pagpikit ay hindi na siya magising pa.

.

.

Ngayon kinasabikan ni shawn ang tulog.

.

.

Dati kasi kapag kasama niya ang dalawang kaibigan ay walang tulugan. Inaabot sila ng umaga sa daan.

.

.

Kung kelan pwede na siyang matulog ay hindi niya magawa.

.

.

"shawn, bakit ba palakad-lakad ka sa labas, gabi na" -napuna ng nanay niya. "bakit ba hindi ka natutulog? "

.

.

Hindi siya dalawin ng antok. Iyon ang sabi niya.

.

.

Pero sabi niya lang yun. Lahat ay ginagawa niya para hindi pumikit.

.

.

Nandiyang pakagat sa hantik.

Nandiyang tusukin ng aspili ang balat.

At ang pinakagrabeng ginawa niya ay kinuryente niya ang sarili, huwag lang makatulog.

.

.

Ano kaya ang nakita ng dalawang kaibigan sa kanilang pagpikit at hindi na sila nakabalik?

.

.

Hanggang kelan siya mananatiling gising?

.

.

May paraang naisip si shawn.

.

.

"dok, operahan mo ang mata ko. Itupi mo pataas pagdikitin mo ang talukap."

.

.

Napapailing ang doktor. "sa karanasan ko bilang doktor, wala pang nakapagsabi sa kin ng ganyan" -tanggi nito

.

.

"hindi mo ba alam na magmumukha kang katawa-tawa habang dilat na dilat ang mata? At hindi pwede yun dahil matutuyo Ang natural fluid na kailangan sa mga mata natin"

.

.

Desperado na si shawn. Pinitserahan ang doktor.

.

.

"hindi mo ba alam dok na bawal sa akin ang pumikit? Hindi ako pwedeng matulog. Hindi!

.

.

Tinalikuran siya ng doktor. "nasisiraan ka na ng bait"

.

.

Talagang napapraning na siya. Iyong dampot ni shawn sa gunting, kinorner niya ang doktor. Tinutukan sa leeg.

.

.

"ooperahan mo ba ako o hindi?"

.

.

Nanginginig na kinuha ng doktor ang mga gamit para isailalim sa isang operasyon si shawn.

.

.

Tiniis niya ang sakit ng pagdikitin ang balat sa pagitan ng mata niya ng walang anaesthesia.

.

.

Dahil kapag tinurukan siya nito ay baka makatulog siya.

.

.

Natapos ang operasyon. Natawa pa siya nang makitang dilat na dilat ang kanyang mata.

.

.

Tinangka niyang ipikit pero nakatahi na ang balat niya, hindi na magsasara ang kanyang mata.

.

.

Napalakas ang tawa ni shawn. Kinilabutan ang doktor sa naging hitsura ng pasyente.

.

.

Lumabas si shawn ng operating room na baon ang pag-asa na hindi siya matutulad sa kapalaran ng dalawang kasama. Iibahin niya ang kapalaran niya.

.

.

Sa daan ay may nakasalubong siyang babae. Kinausap niya ito ngunit dahil sa kasabikan, nakalimutan niya ang hitsura at sariwang tahi sa kanyang mata.

.

.

Nagtatakbo ito at takot na takot.

.

.

May isang lalaking nakarinig. Kumuha iyon ng pamalo at buong lakas na pinalo sa ulo ni shawn.

.

.

Nawalan ng malay ang natumbang si shawn. Dilat ang mata pero nag-aagaw-antok ang diwa niya.

.

.

Muli ay nakita niya ang eksena sa madilim na lansangan habang hinahabol ng kung sino ang nagtatakbong babae. Sumisigaw. Humihingi ng tulong sa kanya.

.

.

Sa pagkakataong ito, iibahin niya ang istorya, tutulungan niya ang babae.

huwang kang pipikitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon