🔥Prologue

20 7 0
                                    

A/N: please play the song at the multimedia habang nagbabasa. Hehe.

---------------

INIIKOT ng babae ang paningin sa kabuuan ng lugar, tila sina-saulo ang bawat parte nito. Mayroon itong fireplace at mukhang nasa sinaunang bahay sila. Nang masiyahan na ito sa nakita ay binaling nya ang tingin sa mga kasamahan.

"Paano na 'to? Wala akong makitang kahit na anong paraan man lang para maka-alis tayo sa punyetang lugar na 'to!"

Marahas na hinawakan ng babae ang kan'yang buhok at sinabunutan ang sarili. Maya-maya'y umiyak ito. Inawat naman sya ng kan'yang kasintahan na agad din naman syang napatahan at yumakap sa kan'ya.

"Tch, patahimikin mo nya 'yang girlfriend mo!" sigaw ng isa pang lalaki. "Kung hindi kasi kayo gumawa ng krimen edi sana wala ka dito! Arte arte," dagdag pa ng lalaki.

Tila nainis ang babae kaya naman kumalas ito sa yakap ng kasintahan at galit na hinarap ang lalaki. Dinuro-duro nya ito.

"Bakit? Ako lang ba ang gumawa ng krimen? Ikaw din naman 'di ba?" naiinis na sigaw nya rito.

"Eh, bakit? Sinabi ko bang hindi ako gumawa? Ha?" tumayo ang lalaki para lapitan ang babae.

"Hinde, para kasing ako ang sinisisi mo kung bakit tayo nandidito!"

"Wow! Iba yata ang pagkakaintindi mo Miss? Ang sabi ko, kung hindi kayo gumawa ng krimen edi sana wala kayo dito! 'Di ba? Pakigamit naman ng common sense miss, ah? Mukhang naiwan mo sa labas, eh!"

"Ako pa? Ako pa ang mali, huh?"

Samantala sa isang sulok naman ay hindi na nakayanan ng isang babae ang bangayan ng dalawa kaya minabuti na nitong paghiwalayin sila at sigawan.

"Tama na!" sigaw nya.

Namayani ang katahimikan at lahat ng pares ng mata ay nakatingin sa kan'ya.

"Pare-parehas tayong may mali dito!" sigaw nya sabay baling sa dalawang nag-aawayan. "Ikaw," turo nya sa lalaking kaaway ng babae. "Kung hindi ka nang-kidnap, edi sana wala ka dito!" Natigil ang lalaki sa sinabi n'ya.

Totoo kasi ang sinabi n'ya.

"Ikaw," turo naman nya sa babae. "Kung hindi kayo nang-scam ng boyfriend mo, edi sana wala kayo dito!" sigaw nya. "At ako?" biglang may butil ng luha ang pumatak mula sa mga mata nya. "Kung... kung hindi ko sana pinatay ang mga magulang ko," huminto sya at napatingin sa mga kasamahan. "Edi sana buhay pa sila, edi sana masaya kaming pamilya sa labas." halos bulong nalang ang mga katagang iyon.

Hindi nagsalita ang kan'yang mga kasamahan kaya pinutol nya ang katahimikan at nagsalita.

"Kung sa labas, tayo ang nang-bibiktima," iniikot nya ang tingin sa paligid. "Dito sa loob, tayo ang biktima." saad nya.

Nagkatinginan naman ang magkasintahan at nagyakapan. Habang ang isang lalaki naman ay napayuko.

"Kailangan nating maka-alis-" naputol ang sasabihin nya nang biglang gumalaw ang bookshelf na nasa kaliwa nila at papalapit na sa kanilang dereksyon.

Naalarma naman sila at agad na napatakbo sa kabilang dulo ng k'warto.

"A-ano na gagawin natin?" tanong ng lalaki. "A-ayokong ma-sandwich," natatakot na pahayag nito.

Biglang huminto ang pag-abante ng bookshelf na ikina-hinga naman nila ng maluwag. May kung anong tv na nasa itaas nila at bigla na la,ang itong bumukas.

"Mister! Pakawalan mo na ang bata!"

"Mga gunggong! Ibigay nyo muna ang hinihingi ko!"

"Ibibigay namin! Huwag mo lang saktan ang bata!"

Ngunit hindi nakinig ang lalaki sapagkat pagkatapos nitong kunin ang pera na hinihingi ay mabilis na hinatak nya ang bata at sinakay sa kotse sa likuran ng bodega na pinagtataguan nila. Ngunit dahil malikot ang bata ay nakawala ito sa kamay ng lalaki. Mabilis na sumakay ang lalaki sa kotse at hinabol ang bata sa pamamagitan ng pagda-drive.

"Ah? Gusto mong maglaro?" sigaw ng lalaki. "Sige, let's play, hide and seek," tumigil ang sasakyan. "Found you,"

Na-korner nito ang bata dahil lumiko ito sa daanan kung saan pinakadulo na at wala ng matatakbuhan pa. Ngunit imbis na bumaba at hulihin ang bata, ay itunuloy lang nito ang pagda-drive hanggang sa tumama ang kotse sa pader at ma-sandwich ang bata. Harap-harapan nitong nakita ang dugo na dumaloy mula sa bibig ng bata. Lumabas ang lalaki mula sa kotse ngunit pa-gewang-gewang na itong maglakad hanggang sa mawalan ito ng malay

Nang namatay ang tv ay sya namang pag-abante ulit ng bookshelf papunta sa dereksyon nila na ikina-panic na naman nila.

Jusko! Ano bang lugar ito? Puro demonyo ang nandidito.

----------------------------------

A/N: I hope you like the prologue.

🔥Prison Hell [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon