🔥Chapter Two

13 7 0
                                    


Lorraine

MINULAT ko ang mata ko sa oras na nagkaroon ako ng malay. Nasilaw naman ako sa ilaw na nagmumula sa kisame kaya tinakpan ko ang mga mata ko at napapikit.

Hindi naman totoo ang mga nangyari kanina 'di ba?

Pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko na panaginip lang ang mga nangyari, na parte lang iyon ng panaginip ko. Huminga ako ng malalim bago umupo mula sa kama na kinahihigaan ko. Ganun nalang ang pagka-singhap ko nang makita kong nasa iisang kwarto ako tulad ng mga nasa Ospital.

Anong ginagawa ko dito?

"Hi, Raine," napalingon ako sa nagsalita.

Nagtatago ito sa gilid kung saan madilim kaya umabante ito at nakita ko kaagad ang buong pagmumukha nya. So, hindi ako nananaginip?

"I suppose you already know my name, but nah," saad nito. "I'm Steven," inilahad pa nito ang kamay nito pero tinabig ko lang iyon sabay lingon sa likod.

Baka kasi maulit na naman iyong nangyari kanina. 'Yung habang may kumakausap sa akin sya ay mayroon na namang tatakip sa bibig at ilong ko.

"No need to worry tayong dalawa lang ang nandidito. I can assure that," dagdag nya kaya napalingon ako dito.

"Why would I trust you?" tanong ko dito.

Bahagya pa itong umabante kaya napa-atras naman ako. Natatakot ako sa pagmumukha nya dahil nakangiti ito pero iyong dating sa akin ay napaka-creepy.

"Hindi ko naman sinasabi na pagka-tiwalaan mo ako," mas lalo pa itong ngumiti kaya mas lalo akong natakot.

"B-bakit... bakit ako nandito?" tanong ko sa kan'ya.

"Bakit ka nandito?" balik tanong nya sa akin. "Simple lang. Kailangan mo ng pagbayaran ang mga kasalanan mo,"

Nakasuot ito ng Lab gown at ng iba pang mga gamit na pang-doktor. Anong meron? Kanina pulis, ngayon doktor naman? Ano bang meron?

"H-hindi ko... hindi ko mintindihan," nalilito kong saad. "Kung kailangan ko pagbayaran ang kasalanan ko, bakit ako nandidito? Sa Ospital na 'to?"

Ngumiti lang ito sa akin at naglakad papunta sa mga gamit nya na ginagamit kapag nago-opera ng tao. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, masama ang kutob ko dito.

"Parte lang 'to ng kulungan, Raine. Sa oras na mahanap mo ang daan papaalis dito, congrats," at tumingin ito sa akin. "Dahil ang palapag na ito ay akin..." naglakad ito papalapit sa akin. "At lahat ng mga nandidito ay..."

Masama naman ang kutob ko kaya napalayo ako dito at napa-atras. Mabuti na lang mayroong parang batong kama na nasa gitna. Nasa kabilang side ako at sya naman ang nasa kabilang side.

"Mamamatay!" at bigla nalang ako nitong sinugod.

Na-alarma naman ako at napatakbo. Umikot ako sa kama at pinihit ang pintuan nang makalapit ako dito. Pagkasara ko ng pintuan ay sakto namang may patalim na tumagos sa pinto. Napalaki ang mata ko at mabilis na napatakbo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta basta takbo lang ako ng takbo.

🔥Prison Hell [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon