Lorraine"SINO ka?" marahan kong itinaas ang dalawa kong kamay nang makita kong mas lalong itinutok ng lalaki ang shotgun na hawak. "Magsalita ka kung 'di papaputukin ko 'to!"
Hindi ako nagsalita at nanatiling tahimik lang. Kahit gustuhin ko mang pagmu-murahin ang lalaking ito ay hindi pwede dahil sa mga oras na ito ay pwede nyang kalabitin ang gatilyo ng baril ano mang oras. Medyo may katandaan na ang lalaki at sa tingin ko ay nasa mid-40s na ito.
"Ano? Magsalita-"
"Joseph!" napalingon kami sa babaeng sumigaw. Agad itong lumapit sa lalaki. "Ibaba mo nga iyang baril mo!" sabay tingin sa akin ng babae.
"Pero baka isa sya sa kanila," bulong ng lalaki na narinig ko naman.
Bahagya pa ako tinitigan ng dalawa bago nag-usap ulit. Hindi ko sila pinansin at itinutok ang tingin sa bagong palapag na napumtahan ko. Napamangha ako sa nakita. Para akong nasa ibang lugar na naman. Kung ang unang palapag ay Ospital ang theme, ngayong sa pangalawa ay parang bahay ang main theme nito.
"Oy, sumunod ka," napalingon ako sa lalaki nang magsalita ito at sumenyas pa ito.
Timingin ako sa sa babae at tinanguan nya lamang ako bago naglalad. Sinundan ko naman sila habang napa-subaybay sa paligid.
Para talaga akong nasa iisang bahay dahil sa mga kagamitan na nakikita ko sa paligid. Mayroon ding chandelier sa kisame. Nang makarating kami sa mukhang 'Dining room' ng k'warto ay agad na napatingin sa amin ang lahat. Nang makita nila ako ay agad agad silang kumuha ng iba't ibang armas at itinutok sa akin.
"Woah! Relax, guys!" ani ng babae. Bahagya pa akong itinago nito sa likod nito pero umatras din naman abad ako at iniwasan sya. "Relax, isa sya sa atin,"
Napakunot ang nuo ko sa sinabi nya.
Sumikip ako sa unahan at nakita ang hindi lalampas sa walong katao ang nanduduon. Napangiwi ang babae at napatingin sa lalaki.
"Joseph?"
Pero imbis na sagutin ang babae ay nagkibit-balikat na lang ang lalaking tinatawag nilang Joseph. Saka naman ako binalingan ng babae.
"Ikaw, isa ka sa kanila, noh?"
"Sinong sila?" tanong ko.
Tinaasan lang ako nito ng kilay.
"Duh? Sila Danty, Roxas at Maxine?" sabat naman ng isang babae.
Si Danty, kilala ko. Pero 'yung dalawa na nabanggit nila ay hindi ko kilala. Magsasalita pa sana ako nang nagsalita na ang kaninang babae na kausap ni Joseph.
"Tama na 'yan. Hindi sya isa sa kanila. Hindi sya psycho," tumingin ito sa akin at nginitian ako. "Ako nga pala si Marie," nilahad nito ang kamay nya ngunit tinitigan ko lang iyon.
Mukhang nakuha naman nya ang pahiwatig na ayaw ko syang kamayan kung kaya't binawi nya ang kamay nya. "Sige na, umupo ka na d'yan. Magluluto pa ako." paalam nito at umalis na.
Sa muling pagkakataon ay inilibot ko ulit ang paningin ko sa k'warto. Mukha talaga akong nasa iisang bahay dahil sa nakikita ko. Pakiramdam ko tuloy nasa ibang bahay lang ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/225674738-288-k721325.jpg)
BINABASA MO ANG
🔥Prison Hell [On-Going]
Mystery / ThrillerON-GOING --- Lorraine Anne Reonico, A thief, a thief and nothing but a thief. That's what they thought. She was thrown to prison hell to face her consequences. But reality strikes her, she was no thief but a sinner. Would you still commit a crime i...