February 13, 2020
9:07 pm
Dear Amanda,ewan ko ba kung sinasadya niya 'to o binibigyan ko lang talaga ng meaning ang lahat.
mas inagahan niya yung pag punta sa bahay para makasabay ako papunta sa school. naglalakad lang kami habang nagchichika.
alam mo 'yun? mas the best ang chikahan kapag in person kayo. yung walang gadgets, naririnig mo 'yung boses niya pati 'yung tawa niya. nakikita ko rin kung paano siya ngumingiti habang nagkkwento ako.
amanda, ang rupok ko ba? sorry na, minsan lang 'to hehe.
hindi ko na-corner si hyuck kahapon nung naglalaro kami. naisahan ako ampochi grrrr.
sige, gawa muna ako ng assignment.
marupok,
kang maya ♡
BINABASA MO ANG
dear amanda | nct dream. ✅
Fanfiction2050, a girl. a mother in a coma. a diary. a strong desire. nct dream standalone au.