April 4, 2020
1:10 amDear Amanda,
Di ako makatulog, sobrang excited ko para sa camping! omayghad
buti nga at hindi na drawing. makakasama din namin si insan kaya sobrang saya ko. hindi kasi siya nakasama nung last outing kasi nasa canada siya hmp.
tapos na akong mag shopping ng outfit ko, siyempre tinulungan ako ni johnny oppa. naka ready na ang lahat kahit sa saturday pa ng umaga ang alis namin HAHAHA
Hays, oo amanda. Hanggang ngayon di pa rin kami nag-uusap ni nana. Ewan ko bigla kaming nailang pareho after nung last dance.
Di ko pala na kwento, simula din 'nun palagi na niya akong binibigyan ng banana smoothie ng palihim. Oo alam kong siya 'yun kasi nahuli ko siya once nilagay niya sa bag ko pero i acted na wala akong alam.
nung last day naman ng classes, binigay niya sa akin in person tapos tumakbo. ang cute niya huhu.
sana naman pansinin na niya ako kasi, might as well tanungin na niya rin ako kasi sasagot ako agad-agad.
Chos.
Sige, try ko na matulog amanda. Good mornight!
paano ba mag shoulder dance?
kang maya ♡
BINABASA MO ANG
dear amanda | nct dream. ✅
Fanfic2050, a girl. a mother in a coma. a diary. a strong desire. nct dream standalone au.