T.D.Y.S.G (#1)

98 8 0
                                    

Isang nakaka-stress na araw na naman ito para kay Akiva dahil sa mga ka-grupo nito na hindi tumutulong sa isang project nila. Ang dahilan ng mga ka-grupo nito ay hindi marunong makiusap si Akiva at ubod daw ito ng sungit.

"Oh?! Ano?!" Kunot-noo na sigaw ni Akiva nang walang maka-sagot sa tanong nito. Ka-onti na lamang ay magdidikit na ang makakapal na kilay nito. "Pag tsismisan ang galing, pag gagawa na ng project at school works, ano? Nga-nga? Walang ambag?"

Makikita mo sa mga singkit at kulay kayumanggi nitong mga mata na ubos na ang pasensya nito sa mga ka-grupo. Natahimik ang lahat, kaya't umupo ito sa kanyang upuan at kinalma ang sarili. Ginawa nito ang lahat para may ma-umpisahan ang grupo nito ngunit dumating ang alas singko ng hapon ay wala pa rin silang natatapos, kaya nag pasya si Akiva na umuwi na lamang. Naka-simangot itong lumabas ng gate ng school nila.

Isang matipunong lalaki ang naghihintay kay Akiva sa labas ng school nito. Naka-upo ito sa isang kulay itim na Yamaha R6, nakasuot ng helmet, at naka-uniporme pa ito mula sa ibang school. Hawak ng malambot nitong kamay ang isang extrang helmet. Nang makita nitong naka-simangot na naman si Akiva ay ginulo niya ang kanyang buhok at nagpa-rinig ito.

"Ano ba 'yan! Ang pangit ng bungad. Haist!"

Narinig ito ni Akiva kaya tinignan niya ang lalaki saka lumingon-lingon ito na parang hinahanap kung sino ang kinakausap nito. Nang makita niyang walang tao ay napagtanto nito na siya ang pinariringgan ng lalaki.

"Hoy! Ako ba pinariringgan mo ha?" inis na tanong nito habang tinuturo ang sarili.

Tinanggal ng lalaking ito ang helmet na suot, "Yes, Akiva. Ikaw. Ikaw lang." At kinindatan nito si Akiva.

Nang makilala ni Akiva kung sino ang lalaking ito ay umirap ito at tumaas ang kilay. Ito ay ang kanyang ex na si Leigh.

"Hoy, Leigh--"

"Dati 'mahal' o di kaya 'babe' huh?" Pang-aasar ni Leigh kay Akiva kaya't napairap ulit ito.

Nakilala ito ni Akiva sa isang party ng kaibigan niya bago mag summer. Noon ay hindi nito ma-consider si Leigh bilang ex dahil hindi naman daw ito nanligaw sa kanya at hindi niya alam kung kailan nito sinagot si Leigh. Nang mag summer kasi ay bigla na lang sila nagkaroon ng namamagitan sa isa't isa.

"Ang kapal mo naman mag expect na ganyan pa rin itatawag ko sayo pag tapos mo ko iwan." Pag-paparinig ni Akiva at tinalikuran na si Leigh.

Aalis na sana si Akiva nang hatakin ni Leigh ang kamay nito dahilan para maging malapit sila sa isa't isa. Habang gulat pa si Akiva sa ginawa nito ay isinuot ni Leigh ang extrang helmet na dala nito at nginitian si Akiva. Isinuot ni Leigh ang helmet niya at kinuha nito ang yellow na tote bag na dala ni Akiva at sumakay sa motor nito.

"Hindi tayo makakarating sa pupuntahan natin kung tutulala ka lang dyan." Pang-aasar na naman nito kay Akiva.

"Sino may sabi sasama ako sayo?" Tanong nito nang mag sink in na lahat sa kanya at nag simula na naman mag sungit ito. Inirapan niya si Leigh at nag crossed arms.

Ipinakita ni Leigh ang bag niya na ngayon ay naka-sabit na sa balikat nito. Tinignan ni Akiva ang balikat nitong pinagsabitan niya ng bag niya at nag taka kung paano ito nakuha ni Leigh sa kanya. Wala nang magawa si Akiva kung hindi umirap at sumakay.

"Hug me." Utos ni Leigh kay Akiva.

"Anong hug me?! 'Hug me' your face! Ano ako--" Hindi na naituloy ni Akiva ang sasabihin dahil mabilis na pinaandar ni Leigh ang motor.

Napasigaw si Akiva at mahigpit na niyakap si Leigh. Natawa si Leigh dahil kahit na binagalan niya na ang takbo ay nakapikit pa rin si Akiva at kapit na kapit pa rin ito.

'Takot na takot mahulog. Walang pinagbago.' Sa isip-isip ni Leigh habang nag drive.

"Nandito na ba tayo? Ha? Hoy, Leigh, hindi ako natutuwa! Hindi porket sumama ako sayo--" Nakapikit na sambit nito nang maramdamang huminto na ang sinasakyan niyang motor. Pinutol ni Leigh ang sasabihin niya.

"Ang ingay mo. Buksan mo kaya 'yan mga mata mo tapos manahimik ka," Tinanggal niya ang pagkaka-yakap ni Akiva sa kanya at bumaba. Nag lakad siya ng kaonti at bumulong, "Halikan kita dyan, ewan ko lang kung hindi ka matahimik."

"May sinasabi ka?" Tanong ni Akiva na nasa likod na pala nito.

Napahawak si Leigh sa kanyang dibdib dahil sa gulat at umayos ito ng tayo. Hinarap niya si Akiva at umiling. Tuluyan na lumubog ang araw at ang buwan na ang makikita mo ngayon. Nilagpasan ni Akiva si Leigh ng makita niyang bumukas ang mga ilaw na nanggagaling sa Harper City. Sila ay nasa isang cliff na dating puntahan ng mga tao kung saan makikita mo ang lawak ng Harper City. Isinarado ito mula noong may aksidenteng nangyari rito.

Namangha si Akiva sa ganda nito at ito ang pangalawang beses niya na pumunta rito, ang una kasi ay noong sila pa ni Leigh.

"Wow! Ang ganda pa rin talaga dito 'no?" Namamanghang sabi nito at pumunta sa half wall na nagsisilbing balakid.

Nakangiting tinitignan ni Leigh si Akiva habang nakatingin ito sa lawak ng Harper City. Dinala niya ito rito dahil alam niyang ito ang makakapagpangiti kay Akiva.

"Ang ganda nga. Sobra. Sobrang ganda pa rin."

"Oh, ang laway baka tumulo." Sabi ni Akiva ng mahuli niyang sa kanya ito nakatingin at nag smirk.

Pinunasan ni Leigh ang labi niya, akala niya ay tumutulo talaga ang laway niya. Napangiti na lamang ito ng marealize niyang binibiro lamang siya ni Akiva.

Hindi na sila gaanong nagtagal dahil kailangan na nila magpahinga, maaga kasi ang mga pasok nila. Hinatid ni Leigh si Akiva sa apartment niya, nagtaka ito nang makarating si Leigh doon nang hindi niya itinuturo ang daan papunta rito.

'Hindi pa siya nakakapunta rito, paano niya nalaman na rito ako tumutuloy?' ang tanong na bumalot kay Akiva.

Ibinigay na ni Leigh ang bag ni Akiva sa kanya at nang ibibigay naman ni Akiva ang helmet ni Leigh ay hindi nito tinanggap.

"Susunduin naman kita bukas kaya sayo muna iyan. Goodnight!" Sabi ni Leigh at agad na umalis.

The Day You Said Goodbye (ON-GOING)Where stories live. Discover now