T.D.Y.S.G (#5)

8 0 0
                                    

Ang abot-langit na ngiti ni Leigh ay napawi nang nilingon nito ang limang lalaking lumapit sa kanila. Hinila nito si Akiva papunta sa likod niya. Nagtataka si Akiva kung bakit kakaiba na ang mga kilos at ekspresyon ni Leigh. Hindi niya kailan man nakita o nakilala ang mga lalaking ito dahil hindi ito nakakasama ni Leigh noong sila pa.

"Anong ginagawa niyo dito?" Malamig na tanong nito, nakakatakot man tignan ang Leigh ngayon ngunit hindi natinag ang mga lalaking ito.

"Hindi ba dapat mag kamustuhan muna? Matagal tayong hindi nagkita, Leigh." The guy in the middle said with a grin. They are all wearing long sleeves, black pants, and black shoes na animo'y galing pa sa isang pormal na pagsasalo-salo. "Wala ka pa rin pinagbago."

"Umalis na kayo, Osie. Matagal na akong wala sa grupo." Kalmadong pakiusap ni Leigh ngunit hindi siya pinakinggan ng mga ito.

Nanatili pa rin ang mga lalaking ito sa kanilang mga lugar. Habang tumatagal ay tumataas ang tensyon sa pagitan ni Leigh at ng mga lalaking ito, kahit si Akiva ay nararamdaman ito. Humihigpit na rin ang hawak ni Akiva sa helmet nito at sa damit ni Leigh dahil sa takot na baka magka-gulo ang mga ito.

"Sabi nga ni Rowee," Sambit ng lalaki sa kanang bahagi ni Osie. "May gusto lang kami ipakita sa'yo."

Inilabas ni Osie ang cellphone nito na kinuha niya mula sa kanyang bulsa sa likuran. Ibinigay niya ito kay Benjamin at lumapit ito kay Leigh. Benjamin started to play the video at pinanood ito ni Leigh. Simula pa lang ng video ay nakakagimbal na, kaya't ang Akiva na napasilip lamang ay agad na napapikit at napatakip ng tainga.

Tanging ang nag iisang ilaw lamang ang nagbibigay liwanag sa isang abandonadong kwarto na makikita sa video na ito. Makikita rin sa video ang mga lalaki sa harapan ngayon nina Leigh at Akiva ay may hawak na makakapal na kahoy at inihahampas nila ito sa apat na kalalakihan na nakatali ang mga kamay sa kisame habang nakagapos ang mga paa sa kadena. Ang mga mukha ng mga lalaking binubugbog sa video ay hindi na gaanong makilala dahil sa mga pasa at dugo sa mga sugat nito sa ulo.

"Leigh, kung n-napapanood mo itong v-video." Sabi ng nakayukong lalaki na may kulay silver ang buhok nang matapat sa kanya ang camera. Kahit hirap na ito ay inangat pa rin niya ang ulo niya. "UMALIS KA NA, LEIGH! TATAPUSIN NILA TAYONG LAHAT! UMALIS KA NA!" Sigaw pa nito bago matapos ang video.

Benjamin and others gave a shriek of laughter when they saw Leigh's face darken even more. He shut his protruding black eyes in anguish. Osie's smile widen as if he already envision his reaction.

"We still got unfinished business with you, Leigh." Ani Osie nang imulat ni Leigh ang mga mata nito.

Lumapit si Osie kay Leigh at bumulong ito, "Tapos na sana kung tinapos mo kami."

Kinuwelyuhan ni Leigh si Osie. Gustuhin man ni Akiva na pigilan ito ngunit bago pa man niya ito magawa ay napigilan na siya ng tingin ni Leigh.

"Kuhain mo ang bag at helmet mo. Pumasok ka na sa apartment mo at huwag kang lalabas kahit na anong mangyari." Sambit ni Leigh at inalis ang tingin kay Akiva.

Hindi pa man nakakapasok ng apartment nito si Akiva ay nagka-gulo na ang mga ito. Pinipigilan ni Akiva ang kanyang sarili na lumingon at bumalik pa roon dahil kahit nagaalala ito para kay Leigh ay ayaw niya suwayin ang sinabi nito.

Tinginan ni Akiva sa hawak nitong helmet. Pinagiisipan nitong mabuti ang kanyang gagawin, umiling ito at lumingon. Nakita nito na akmang sasaksakin ng isang lalaki na nakatalikod mula sa kanya si Leigh. Ibinaba nito ang bitbit na bag sa harapan ng pintuan nito, patakbo itong pumunta sa lalaking may hawak na folding pocket knife at hinampas ito ng malakas sa ulo gamit ang helmet kaya nahilo at nakatulog ito. Nakita ni Leigh ang ginawa nito kaya't nagaalala itong napatakbo ito papunta sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito? Hindi ba't---"

"Leigh, sa likod mo!" Sigaw ni Akiva kay Leigh kaya't mabilis itong umilag.

Tinalikuran ni Leigh si Akiva at hinarap si Benjamin. Sinipa ni Leigh ang mukha nito dahilan para mawalan ito ng balanse at tuluyan matumba. Hinarap na muli ni Leigh si Akiva, hinawakan nito si Akiva sa magkabilang braso.

"Hindi ba't sinabi ko huwag kang lalabas ng apartment mo kahit na anong mangyari?" Nagaalalang tanong ni Leigh. Tinagilid ni Akiva ang ulo nito at tinignan si Leigh bago ito sumagot.

"Hindi pa naman ako pumapasok nung magka-gulo kayo." Sambit nito na nagpa-buntong hininga kay Leigh.

Gulat na napabitaw si Leigh kay Akiva nang hilahin ito palayo ng dalawang lalaki mula sa likod nito. Sigaw at impit na lamang ang tanging nagawa ni Leigh ng kuyugin ito ng tatlong lalaki.

"Leigh!" Sigaw ni Akiva habang hinihila ang damit ng isang lalaki, sinusubukan pigilan ito.

Napahinto si Akiva sa ginagawa niyang ito nang yakapin ito ni Osie mula sa likuran at tutukan ito ng pocket knife sa leeg.

"Subukan mo," pananakot ni Osie kay Akiva nang akma itong manlalaban, binitawan nito ang helmet na hawak niya. Mas lalo pa idiniin ni Osie ang pocket knife sa leeg ni Akiva. "I bet you won't be able to see the sunrise tomorrow once I cut your throat, huh?"

She dread to think that her life was threatened. Her body shivers in angst, she didn't dare to move a finger or call for help. Tears started to fall from her eyes as Osie pulled her backwards.

Osie was unable to concentrate when Leigh got off the ground and fight back again against his men. Akiva instantly bit Osie's hand and got released.

Natigilan si Leigh sa pagsuntok nang may malakas na tunog ng pagbagsak ang narinig nito. Natagpuan ng mga mata nito ang katawan ni Akiva na nakahandusay at wala ng malay.

Leigh quickly ran towards Akiva. He was utterly confused about what had happened to her. His world slowly collapsed as he sat beside Akiva and placed her head on his thighs.

"Hey, hey, Akiva." Tawag nito. "Akiva, wake up!"

Tears starts to fall on his cheeks when he failed to wake her up. He immediately lift her when he saw blood coming from the back of Akiva's head.

"A-Aksidente ang n-nangyari, Leigh." Nauutal na paliwanag ni Osie. "H-Hindi ko s-sinasadya, n-nawalan siya ng b-balanse nung h-hinila ko s-siya tapos t-tumama siya sa r-road curb."

"Akin na ang susi ng sasakyan mo." Utos ni Leigh kay Osie at hindi pinansin ang sinabi nito.

Ibinigay ni Osie ang susi ng sasakyan nito kay Leigh. Mabilis na pinatakbo ni Leigh ang sasakyan at dinala si Akiva sa pinakamalapit na hospital.

Agad na inasikaso ang mga ito ng mga nurse at doctor nang makarating ang mga ito. Habang inaasikaso ng ibang nurse at doctor si Akiva, pinakakalma naman ng isang lalaking nurse si Leigh.

"Sir, kalma lang po tayo."

"Do everything you can to save her, please." pagmamakaawa nito.

"Yes, sir. Upo na lang po muna tayo para magamot 'yung mga sugat ninyo."

Nang matapos ito gamutin ay ibinigay sa kanya ang isang envelope. Naglalaman ito ng cellphone, watch at necklace na pamilyar kay Leigh.

The Day You Said Goodbye (ON-GOING)Where stories live. Discover now