T.D.Y.S.G (#3)

28 3 0
                                    

Dahil sa pagod at puyat kagagawa ng mga school works at kababasa ng mga libro, tanghali na nang magising si Akiva. Papikit-pikit pa nito kinuha ang cellphone niya para tignan kung anong oras na. Matutulog pa sana ito nang marinig na naman niya ang katok na bumulabog sa masarap niyang tulog.

"Ano ba naman 'yan! pahinga ko 'to eh--- SANDALE!" Inis na sabi nito habang padabog na naglalakad papunta sa pintuan nito upang pagbuksan kung sino man ang kumakatok.

Pag bukas nito ay bumungad sa kanya ang nakangiting si Leigh, may dala itong picnic hamper, sunflower, at gitara.

Gulat na isinarado muli ni Akiva ang pintuan at pinulot ang mga nakakalat nitong uniforms at underwear. Nagmamadaling inayos nito ang mga gamit, pagtapos ay agad na dumeretso sa CR para mag toothbrush at maghilamos. Nagpalit ito ng damit at nag spray ng kanyang perfume.

Nang maayos niya na ang lahat ay binuksan niya ulit ang pintuan. Agad na pumasok si Leigh at nilagpasan si Akiva. Napa-crossed arms si Akiva at pinagmasdan si Leigh nang naka-tagilid ang ulo nito.

"Psh. Hindi mo na kailangan mahiya sa akin dahil alam ko naman na makalat at burara ka sa mga gamit at damit mo." Sabi nito nang makapasok. Ibinaba nito ang dala niya at dinampot ang isang short na nasa ilalim ng maliit na sofa ni Akiva at itinaas ito. "Tulad nito."

Nahihiyang lumapit si Akiva para kuhain ang short nito, ngunit nabigo ito dahil itinaas pa ito lalo ni Leigh.

"Ano ba! Para namang ano 'to eh! Akin na kasi 'yan!" Inis na sabi ni Akiva habang tumatalon ito para maabot ang short nito.

Inirapan ni Akiva si Leigh nang ibinigay na nito ang short niya habang tumatawa. Inilagay ni Akiva ang short nito sa labahan at kinuha ang dala ni Leigh na picnic hamper. Napangiti ito nang makita niya ang paboritong sandwich.

Kinuha naman ni Leigh ang gitara at bulaklak na dala nito. Habang naghahanda si Akiva ng hapag-kainan ay nag simulang mag strum ng gitara si Leigh.

"Take me as you are..." malamig na boses nito ang bumalot sa loob ng apartment ni Akiva. Dahan-dahang naglakad ito papunta kay Akiva.

Tulad ng paglakad ni Leigh ay dahan-dahang napatingin si Akiva dito habang naka-upo ito sa dining chair at nakakagat ito sa sandwich niya. Napangiti si Leigh bago ituloy ang pagkanta. Tuwing kinakantahan siya ni Leigh, her heart skips a beat. Ang kantang ito ang nagpapa-alala sa kanya kung gaano sila ka-inlove sa isa't isa, ito rin ang nakakapagpa-alala sa kanya lahat ng sakit na dinulot ni Leigh.

"To be is all I gotta be

And all that I see

And all that I need this time

To me the life you gave me

The day you said goodnight"

Nang matapos ni Leigh ang kanta ay nasa harapan na siya ni Akiva, ibinigay nito ang bulaklak na dala kay Akiva. Tinignan lamang ito ni Akiva at hindi kinuha. Tahimik itong tumayo sa kinauupuan niya.

"May problema ba?" Nagaalalang tanong ni Leigh. Tinignan lamang siya nito at hindi siya sinagot nito.

Pumunta si Akiva sa kusina at uminom ito ng tubig. Bumalik din ito agad at tahimik na kumain. Ganoon rin ang ginawa ni Leigh.

May mga pagkakataong nagkakatinginan ang mga ito at sabay babawiin ang tingin. Nang matapos ni Leigh ang isang sandwich niya ay kumuha ulit ito.

"Para tayong baliw dito. Ano ba nangyari sayo kanina? Hindi mo ba nagustuhan yung pagkanta ko? Pangit na ba boses?" Tanong ni Leigh. "Dati naman ngumingiti ka kapag--" Pinutol ni Akiva ang sasabihin nito.

The Day You Said Goodbye (ON-GOING)Where stories live. Discover now