T.D.Y.S.G (#4)

21 2 0
                                    

Araw-araw na hinahatid at sinusundo ni Leigh si Akiva sa school nito dahil dito ay nagiging usap-usapan siya ng mga estudyante. Pag napapadaan ito sa hall way ng school nila ay hindi naiiwasang pinagtitinginan ito sabay bubulong, kaya naiinis ang kaibigan nito na si Natalia.

May mga araw na pag tapos ng pasok nila ay pumupunta si Akiva at Leigh sa cliff kung saan sila pumunta noong unang beses na sinundo ni Leigh si Akiva. May mga araw naman na hindi na sila nakakalabas dahil may kailangan asikasuhin si Leigh, dinadalhan na lang niya si Akiva ng mga pagkain tulad ng paborito nitong sandwich.

Nang dumating na naman ang Sabado ay bumalik ang mga ito sa By The Bay Mall kasama sina Natalia at ang boyfriend nito si Carl. Ikinuwento kasi ni Akiva kay Natalia ang nangyari noong pumunta sila doon. Nagpumilit si Natalia na bumalik sila doon dahil may amusement park daw doon na pinupuntahan nila ni Carl at magtatampo raw ito kay Akiva kung hindi ito papaya kaya't wala na itong nagawa.

Sinundo ni Leigh si Akiva, samantalang sinundo naman ni Carl si Natalia. Nagkita-kita sila sa labas ng amusement park na sinasabi ni Natalia.

"Oh, bakit nakasimangot ka na naman?" Tanong ni Natalia kay Akiva.

"Nakakainis kasi yung Leigh na 'yan!" Tinuro nito si Leigh na nakangising nakatingin sa kanya habang bumibili ng tickets kasama si Carl. "Inaasar ako malaki raw yung hita ko, hindi bagay ang suot kong short!"

Tumawa si Natalia rito, para kasi itong bata na nagsusumbong. Nang makabili na ang mga ito ay lumapit na kila Natalia para ibigay ang ticket.

"Bakit kasi binadtrip mo? 'Yan tuloy." Sabi ni Natalia kay Leigh.

"Tignan mo naman kasi yung suot? Okay na yung pantaas, eh. Sweatshirt tapos biglang short? Tsk."

"Hoy, Leigh, umayos-ayos ka huh? Hindi ka na boyfriend ng kaibigan ko pero kung umasta ka diyan." Saway nito kay Leigh.

Napabuntong-hininga na lamang si Leigh at ibinigay na kay Akiva ang ticket niya. Kinuha ito ni Akiva at inirapan siya. Napangiti si Akiva nang makita ang ganda ng amusement park na sinasabi ni Natalia. Sa isang iglap ay nawala ang inis nito kay Leigh.

"Tara doon tayo sa drop tower!" Sigaw ni Natalia nang makita nito ang paborito niyang ride.

It is a very large vertical structure where the riders are lifted to the top and faced downwards when released to free-fall down the tower.

Nang makita ito ni Akiva ay excited ito na pumila kasama si Carl at Natalia habang si Leigh naman ay nakatingin pa rin dito na animo'y sinusukat kung gaano ito ka-taas.

"Hoy! Anong ginagawa mo diyan?" Tanong ni Akiva rito.

"Ha? Uh... K-kayo na lang muna." Nauutal pa ito nang sagutin si Akiva.

Naalala naman ni Akiva na bukod sa takot si Leigh sa mga amusement rides tulad nito ay may hindi ito magandang alala sa mga amusement park. Noong bata pa kasi ito ay nawala ang panganay na kapatid nito sa isang amusement park at natagpuang wala ng buhay sa likod ng isang double-decker carousel.

Si Akiva lamang ang tangi na nakakaalam nito bukod sa pamilya ni Leigh. Mula noong mangyari iyon ay hindi na muling nag punta si Leigh sa amusement park. Nang sila na ang sunod ay saktong apat ang natirang upuan.

"Isa na lang po!" Sigaw ng nagbabantay sa pila.

Walang sumasagot dito dahil lahat ay may kasama. Nilapitan ito ni Akiva.

"Kuya, pwedeng wait lang po? Isingit ko lang po yung kaibigan kong 'yon, oh." At itinuro si Leigh na nakaupo na sa bench malapit dito.

"Sige, dalian mo lang." pag payag nito.

The Day You Said Goodbye (ON-GOING)Where stories live. Discover now