[3]

20 2 1
                                    

Ilang araw ko na kinukulit si Rhenz tungkol kay Konnor. Kaya may ilang mga impormasyon akong nakalap mula sa kanya. Alam na ng buong room na crush ko si Konnor kasi madaldal si Abbi.


Si Konnor Liam Yu DAW ay isang college student taking the coarse of accountancy. Matalino, maaalalahanin at higit sa lahat mabait. Kaya sya naging kaibigan ni Rhenz kasi kaklase daw ng ate niya si Konnor at laging naggugroup study sa kanila. Yun lang!


"Bilis na! How about his family?"


" I don't want to tell you! Magagalit sakin si Konnor. Ayaw niyang pinagkakalat ang family info nya. Kung gusto mo malaman, kaibiganin mo sya. "  Galit na sya oh! Nagwalk out pa. Nagtatanong lang ih.


Bumalik na lang ako sa table ko kasi sapat naman na ang impormasyon ko. Hehe. Pagkabalik ko naman hinunta agad ako nina Abbi.


"Oh bat nagwalk out yun?"


"Ewan ko ba nagtatanong lang naman ako."


"Manhid ka naman kasi girl! Matagal ka na kayang crush non! Napakamanhid mong kupal ka!" Dagdag pa ni Ara. Nangangamoy fake news ah. Inirapan ko na lang sya kasi alam ko naman na hindi totoo.


Bigla nang dumating ang adviser namin kaya dali daling nagsibalikan ang mga kaklase ko sa kanikanilang upuan. As usual nag-attendance lang kami tsaka nag-discuss ng mga gaganapin this month.


Nakaupo lang ako sa table ko habang iniintay ang pinabili kong tinabay kina Abbi. Tinatamad kasi akong tumayo at pumuntang canteen. Uub-ob na sana ako nang biglang sumigaw si Abbi.


"Janna! Janna! Si Konnor nasa baba kausap si Rhenz!" Dali dali akong sumilip sa bintana at nung hindi ko siya makita ay dali dali naman akong bumaba sa hagdan.


Nakatingin na lang ako sa footsteps ko kasi baka magkamali ang hakbang ko. Matagal ko nang hindi nakikita si mahlabs e. Hindi nga ako nagkamali pero paghakbang ko ng konti nabunggo naman ako ng isang lalaki dahilan para bumagsak ako sa sahig. Punyemas!


"Nagmamadali ako e! Kainis nama--" pagkatingin ko sa nakabunggo sakin nakalahad na ang kamay nya.


Hindi ko akalain na si Konnor pa talaga makakasalubong ko!


Agad agad ko namang hinawakan ang kamay nya para maalalayan nya ako tumayo. Kyaahhh!


"Sorry Miss" luh miss daw baka misis. Misis mo. Chos


"Ah okay lang di naman masakit hehe!" Sabay pagpag ko ng pwetan ko.


"Sorry talaga" hala siya concern oh! Lande! HAHAHA


"Okay lang talaga hahaha" kahit ilang beses mo pa ako banggain basta kamay mo mahahawakan ko okay lang. ;)


"Hindi ka okay oh! May sugat ka sa paa." Hanla bay maysugat ako! Hindi ko na ata naramdaman kasi si Konnor ang nakita ko e.

His ReasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon