[7]

10 1 10
                                    

"Uy si Konnor oh may kausap na babae" sabi nya kaya agad akong napalingon sa gawi ni Konnor na nasa may counter.

"Okay lang. Hindi naman ako nagseselos." Sabi ko na lang nang hindi inaalis ang titig kina Konnor.

"Oh timo ang sweet. Oh nagngitian pa." Pabidang sabi ni Abbi.

"Baka naman jowa ni Konnor. May itsura naman yung babae" singit naman ni Ara.

"Okay nga lang. Hindi ako nagseselos."

"Weh. Bat parang galit ka? Hahaha" sabi naman ni Abbi.

"Hindi ah. Bakit naman ako magagalit e hindi naman kami. Atsaka crush ko lang naman yun. HAHA." Saka ko binalik ang tingin sa notebook.

"Promise?" Paninigurado ni Ara.

"Oo promise!"

"Peksman?"

"Peksman, Mamatay man kausap ni Konnor ngayon!" Sabi ko pa bago uminom ng kape.

nagpatuloy na lang ako sa pagsasagot at itinuon ko na lang ang sarili ko sa math. Ilang oras na ang nakalipas kaya madami na nasagutan ko. Medyo naiintindihan ko na pero minsan talaga mahirap yung problem kaya nagkakamali ako.

"Ara ano sagot mo sa number 29?" Tanong ko sa kanya kasi hindi ako sure sa sagot ko.

"64 ang aken" sagot naman ni Ara.

"Akin din 64" sabi naman ni Abbi sabat apir kay Ara. Matalino naman si Abbi kaso nga lang masyadong nahahaling sa korean kaya hindi masyadong nakakapagintindi.

"Hala! Bat ang sagot ko 197?" Bat ganon? Kinuha naman ni Ara ang papel ko at tiningnan ko pano ko nakuha ang 197.

"Luka ka bat mo kasi pinagtimes, divide kasi dapat. HAHAHA mamamali ka nga nyan." Luh bat ko nga pinagtimes. HAHAHA shonga ko talaga.

"Ahhh" sagot ko naman saka binago ang computation ko.

Iinom na sana ako ng kape kaso ubos na pala.

"Abbi ikuha mo ko ng refill. Kasama naman yan sa pwedeng refillan diba?" Sabay abot ko sa kanya ng baso.

"Bat ayaw mong ikaw ang kumuha. Ikaw nakaisip e!" Are talagang bata na to!

"Bilis na naaalibadbadan ako sa pagmumukha ng babaeng yun oh!" Sabay turo ko gamit ang labi ko sa babaeng kausap kanina ni Konnor na ngayon ay nakaupo na at may tinatype sa laptop nya.

"Are naman parang others. Bilis na Abbi" pagmamakaawa ko sa kanya. Hindi naman nya ako natiis kaya kinuha nya na iyon at pumunta sa may counter.

Makailang minuto lang ay dumating na si Abbi. Ipinatong nya ang aking kape at saka umupo.

Busy lang ako sa pagsasagot ko sa mga tanong na inihanda sakim ni Ara. Yung mga possible na itanong sa test.

Karamihan ng mga tanong ni Ara ay nalabas sa test. Kaya sa kanya ako nakapit. HAHAHA. Sa math lang naman. Hirap na hirap ako don e. HAHAHA. Pati nga 10 + 5 ay nag cacalculator ko pa pag test. Mahirap na baka mamali pa ako, sayang ang one point.

Pagkatapos ko sagutan ang isang question ay kinuha ko ang kape saka uminom.

Nakalimutan kong bagong kuha ang kape dahilan para mapaso ang dila ko at sa pagkagitla ko ay may ilang patak ng kape ang natapon sa kamay at pantalon ko. Shemms!

"Aahhh!! Potek! Ang init! Ang init! Uy ang init" dali dali kong binaba ang baso saka humanap ng tissue.

"Yan kaabnuan!" Sabi ni Ara sabay abot ng tissue.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 11, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His ReasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon