[5]

11 1 7
                                    

Nakatitig lang ako sa librong pinahiram sakin ni Konnor. My gosh pati ba naman sa paguwi ko hindi mawala ang kilig? Muntik na nga ako mapaihi kanina e. Yawa!


Iba talaga yung kilig kanina e! Hanggang buto my gosh. Yun ba yung tinatawag nilang 'kilig to the bones'?


Monday na naman. Pagkapasok ko ng room sobrang ingay. Lagi naman silang ganto pero mas maingay ngayon jusko.


Pagkaupo ko sabay dating naman ng adviser namin kaya kaagad naming binati at pinaupo naman nya kami. Biglang kumunot ang noo nya.


"Go back to your proper seat " halatang inis. Nasa sarili naman akong pwesto kaya hindi na ako tumayo. Pero pagtingin ko sa room, lahat ng kaklase ko ay tumayo at nagsibalikan sa kanilang pwesto.


Pisteng yawa nuyun? Lahat ng kaklase ko wala sa sariling upuan? My gosh. Ako lang hindi! Well ganon talaga pag mabait. Haha.


Pati sina Ara wala sa kanilang upuan. Talaga nga naman. Ayaw gagaya sakin!


Pagkatapos ng aming homeroom tatayo na sana ako para puntahan sina Ara pero biglang lumapit sakin si Paul.


"Hi!" Ay ang bibo ah. Kulang na lang sumigaw.


"Hello. May kailangan ka?" Tanong ko sa kanya.


"Wala naman. Bawal ba mag Hi man lang sa dati kong kaklase?" Aba! Nakangiti pa. Weyt nangaasar ba sya? Natatandaan ba nya yung ginawa ko sa kanya dati? Anla! Katagal na nun ayaw pang kalimutan.


"Hindi naman haha"  kung wala lang talaga akong hiya jusko natarayan ko na 'to.


"Janna!" Papalapit samin si Abbi na parang galit.


"Bakit?"


"Samahan mo'ko sa cr"


"Ah sege" 


"Excuse me" sabi ko kay Paul saka ako tumayo at sinundan si Abbi sa cr. Tinanong ko siya kung galit siya sabi naman niya hindi daw kaya hindi ko na kinulit at baka tuluyang magalit.


Pagkatapos namin, umakyat na kami kasi baka malate kami for our second subject. 


Nagdidiscuss lang si maam tungkol sa math. Mahina pa naman ako don kaya pag math class lagi kong katabi si Ara. Matalino sya sa math at panlaban din ng school pag may math competitions.


"Pano nakuha yun?" Sabay turo ko sa sagot na nakuha ng kaklase ko sa board.


"Garne kasi .........." tuloy tuloy lang na nagexplain si Ara. My gosh di ko maintindihan. Para syang naghahangul or chinese something like that na hindi ko maintindihan.


"Okay tama na Ara. Pagaya na lang HAHAHA" suko na ako. Napatawa na lang sakin si Ara. Saka na lang ako magpapaturo pag malapit na ang exam. Para fresh sa utak. Haha.

His ReasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon