Ikatlo

8 1 0
                                    

"Hmm?" rinig kong sabi ni Kaileen sa tabi ko. Gising na pala siya.

"Nakita ko si Miko. Nasa Rimando siya. May kasamang babae." kwento ko kay Kaileen. Medyo nagpa-panic pa ako kase 'di ko alam kung bakit siya andito.

"Pinagsasabi mo diyan?" naguguluhang sabi ni Kaileen. "Kuya, para po." sabi niya nang makarating na kami sa pupuntahan namin. Bumaba ako agad.

"I swear, Kaileen. Siya 'yung nakita ko. May kasama siyang babae!" sabi ko ulit nang makababa. Hindi ako pwedeng magkamali. Alam kong siya' yon, anoba!!! Jowa ko 'yon! Kilala ko' yon mula ulo mukhang paa. Joke, ex ko na pala siya. Pero basta! Siya 'yon.

"Ba't naman siya andito, aber? Ang huling balita ko sa Dagupan siya nag-aaral." sabi niya at nagkibit-balikat. Pano niya nalaman na sa Dagupan siya nag-aaral?

"Ha? Pano mo nalaman na nasa Dagupan siya?" tanong ko at pinanliitan siya ng mata.

"Gaga. Nasabi lang ni Coreen. Remember her? 'Yung chismosa nating classmate nung grade 9. Sa Upang siya nag-aaral tapos nakita niya rin daw si Miko doon. Kaya chinat niya 'ko. Tinanong niya kung wala na daw ba kayo. Ayon, sinagot ko hindi pero di ko na kinwento kung bakit. 'Di ko na rin sinabi sa'yo kase baka mabother ka na naman. Hayaan mo na 'yon. Baka nagbabakasyon lang dito. Move-on na, Rae. Don't let him bother you, okay!? Ikaw ang sinaktan. Ikaw ang biktima. Wag ka na magpa-biktima ulit." sabi niya at tinuro-turo pa ako na parang binabantaan niya ako. Tumango na lang ako.

Naglakad na kami papasok ng Laxamana nang biglang natapilok si Cathy.

"ARAY POTA!" sigaw niya nang natapilok sa hagdan. May hagdan kase bago entrance ng Laxamana. Nagulat kami pero maya-maya tumawa rin.

"GINAGAWA MO?!" natatawang sabi ni Robin habang tinutulungan si Cathy tumayo.

"Aray! 'Yung ankle ko! Dahan-dahan naman!" reklamo ni Cathy habang hawak 'yung ankle niya. Hinawakan ko na rin ang kabilang braso niya para tulungan siyang tumayo pero natatawa pa rin ako. Ano ba 'tong babaeng 'to. HAHAHAHAHA.

"'Wag niyo nga akong tawanan! Bwisit naman 'tong araw na 'to! Babagsak na nga ako sa exam, bumagsak pa'ko sa hagdan. Punyeta." reklamo niya.

"Mag-review ka kase. 'Pano umakyat ng hagdan nang hindi natatapilok'." asar ni Trevor at tumawa. Umirap na lang si Cathy at tumuloy na kami sa loob. Buti na lang at konti na lang ang tao kaya mabilis kaming nakahanap ng upuan. Nasa gitna ako ni Kaileen at Robin tapos katapat namin si Trevor at Cathy. Umorder na kami at hinintay ang pagkain.

Madalas kami kumain dito sa Laxamana. Minsan sa paylite kami kumakain o kaya sa Mang Inasal. Marami kaseng kainan dito sa Bonifacio tapos malapit din dito ang main campus ng SLU kaya tuwang tuwa sila Cathy at Kaileen kapag may kumakain na archi o kaya engineer na pogi dito.

Dati naman madami akong crush. Nagpapadamihan pa nga kami ni Kaileen ng crush sa dati naming school. Tapos dumating siya, sa kanya napunta lahat ng atensyon ko. Sa kanya ko binuhos lahat ng pagmamahal ko tapos bigla niya akong iniwan. Parang na-drain ako. Kase umiikot 'yung pagmamahal na binibigay ko sa kanya eh. Minamahal ko siya tapos minamahal niya rin ako hanggang sa naging cold siya. Parang tumigil siya na mahalin ako kaya 'yung pagmamahal na binibigay ko walang bumabalik sa'kin kaya naubos 'yon hanggang sa umalis siya kasama ng pagmamahal na binigay ko sakanya kaya walang naiwan para sa sarili ko.

Nawala ako sa pag-iisip nang nilapag na ang pagkain namin sa lamesa. Hindi ko muna inisip si Miko at agad kong kinuha ang kutsara at tinidor ko para haluin ang sisig.

"Grabe. Ang sarap." sabi ko habang kinakain ang sisig.

"True. The best talaga sisig sa laxamana." sabi rin ni Trevor. Hinanap ko 'yung waiter na ka-close namin dito. Dahil sa dalas namin kumain dito, kilala na kami ng mga waiter. Minsan pa nga ay may discount kami. Agad ko siya nakita kaya kumaway ako sa kanya. Lumapit siya sa'min at ngumiti.

Turn Back TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon