Ikaapat

8 0 0
                                    

Nagising ako dahil sa ingay ng cellphone ko. Inaantok na inabot ko iyon at nakitang tumatawag ang nanay ko. Sinagot ko ang tawag at tamad na pinatong ang cellphone sa tenga ko.

"Hello, nak! Kamusta ka na diyan?" bungad ni mama. Papikit-pikit pa ang mata ko kaya 'di ako kaagad nakasagot. "Kakagising mo lang, ano!? Bumangon ka na diyan! Magpapa-laundry ka pa ng damit mo!!" sigaw niya sa'kin kaya medyo nilayo ko ang cellphone ko. Umupo ako sa kama at humikab.

"Opo, mama. Alam ko po. Sabado naman ngayon kaya okay lang tsaka 7am pa lang, ma. Ang aga aga." sabi ko habang nagiinat. Kinuha ko ang tuwalya ko at lumabas para maghilamos.

"Nga pala. Naipadala ko na 'yung bayad mo sa renta. Magbayad ka na kaagad para 'di mo magastos 'yung pera. Napaka-gastusera mo pa naman." sermon ni mama sa'kin. Tumango na lang ako kahit alam kong hindi niya nakikita. Pumasok ako sa CR at ginawa ang morning routine ko.

Binilinan lang ako ni mama na huwag magpalipas ng gutom at bawasan ang pagiging gastusera ko. Um-oo na lang ako sa mga sinabi niya.

'Di naman sa gastusera ako. Lagi lang ako nagwiwithdraw ng pera pero 'di naman ganon kalaki ang winiwithdraw ko. Sapat lang para sa usual na gastusin ko. Agad akong natapos kaya lumabas na ako kaso bigla kong nakita ang land lady namin.

"AY PUKE!" gulat na sabi ko nang nasa pinto siya ng CR at mukhang hinihintay ako.

"Good morning, Raelynn. Pambayad sa renta." sabi niya at nilahad ang kamay niya sa harap ko.

"Ang agang paniningil naman ho niyan. Wala bang 'kumain ka na ba, Raelynn?' o kaya 'kape tayo, Raelynn'. Heheheheh." pabirong sabi ko kaso nanatiling seryoso ang mukha niya kaya nag-peace sign ako.

"Mamayang hapon ho magbabayad ako." sabi ko.

"Sige. Katukin mo na lang ako sa kwarto ko." sabi niya at umalis sa harap ko. 'Di naman palaging nagiistay ang landlady namin dito. Tsaka lang siya pumupunta dito kapag maniningil at kapag may lilipat na tenant. And speaking of lilipat na tenant, naalala ko na may bagong tenant na lilipat ngayon!

Mabilis akong bumalik sa kwarto para tawagan si Kaileen. Kanina pa ring ng ring pero hindi niya sinasagot ang tawag ko kaya napag-desisyunan ko na lang na pumunta sa apartment niya tutal magkapit-bahay lang naman kami. Pagkarating ko ay sunod-sunod akong kumatok.

"Kaileen!" tawag ko habang kumakatok.

"Kaileen, gising na!" sigaw ko pa ulit. Maya-maya ay bumukas na ang pinto at bumulaga sa'kin si Kaileen na naka-pajama at hoodie. Halatang kakagising lang dahil papikit-pikit pa siya nang buksan ang pinto. Agad akong pumasok at umupo sa kama niya.

"Ano ba 'yan, Rae? Ang aga aga mo namang mambulabog." reklamo niya at humiga ulit sa kama niya para matulog. Tumayo ako at pabalik-balik na naglakad sa harapan niya.

"Kai. Omg. I cannot talaga." sabi ko sa kanya.

"Hmm. Bakit ba?" nakapikit na sabi niya. Pumunta ako sa kama niya at niyugyog ang balikat niya.

"Wake up! May sasabihin ako!!" sabi ko. Inis siyang umupo at inayos ang buhok niya.

"Bakit ba?! Ish naman." reklamo niya.

"May bagong tenants na lilipat sa dorm ko and sabi ng landlady ko taga-Alaminos din daw! My instinct is telling me na si Miko at 'yung kasama niyang babae kahapon ang lilipat sa dorm ko!! What should I do!?" sabi ko at nagpa-panic. Pano kung si Miko nga ang lilipat!? BA'T SIYA LILIPAT NG DORM KUNG NASAAN AKO? SA DINAMI-DAMI NG DORM, BAKIT SA DORM KO PA!?

"OMG." gulat na sabi niya at nanlalaki pa ang mata. Kinabahan ako bigla sa reaksyon niya.

"Bakit?" tanong ko. Nanahimik siya saglit. "Kai, bakit!?" sigaw ko sa kanya nang hindi niya ako sinagot. Tumingin siya sa'kin at sumeryoso bigla ang mukha.

Turn Back TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon